*
Agad ako bumaba ng hagdan ng marinig ko ang boses nila Analyn at Tin sa may sala . natanggap ko kase ang text nila na pupunta silang bahay .
"Hoyy Inday !!!"- sigaw ni Analyn ng makita ako pababa
"mga babes ! namiss ko kayooo !!"-
"nmiss karin nmin be !"- Tin, nagyakapan kming tatlo at napansin ko ang maumbok nilang tiyan .
"wah ! ang mga inaanak ko . kelan kabuwanan nyo mga bruha ??"-
"hehe nakalunok ako ng pakwan be"- nakangiting saad nman ni Tin sabay himas sa nakaumbok niyang tyan mahinang tinapik ko nman siya sa braso
"ikaw hah ! akala ko mangga lng nilulunok mo ! pati rin pla pakwan haha !"-
"Luka yan e ! akalain mong 7months na umamin na preggy siya"- nagtataray nmang saad ni Analyn
"hindi pa kase ko ready haha !"-
"siraulo ! ilang months mo ng dala dala dipa rin ready ? upakan ko toh e"- natawa nalang ako saknila, khit ganan ka hard yan si Analyn alam kong kapakanan lng ni Tin ang iniisip niya .
after how many years na magkakaibigan para narin kming magkakapatid ng tatlong toh .
"haha . dalawang buntis nagtatalo . ang cute nyo tignan haha !"-
"hindi niya parin tlaga ko napapatawad be haha"- Tin
"pano nman bhei, yang buntis na yan lasenggera . sarap sabunutan ng bulbol !"- nakatinging saad sakin ni Analyn, natawa lng ako
"ako sasabunot usto mo ?? ikaw pasaway ka tlga ! hindi kana naawa sa inaanak ko"-
"haha peace nman mga mare ! patawarin nyo na ko ! forgive me and let's forget . nabawi nman na ko ngayon sa baby ko"- nakanguso pang sabi niya
"aysus ! kelan kayo magpapakasal ng tatay niyan ??"- Analyn
"hindi ako magpapakasal kay James, hindi ko siya mahal be . alam nyo nmang si Henry ang talagang mahal ko"- nakayukong sabi nito kaya nagkatinginan lng kmi ni Analyn .
hindi niya alam na buntis na pala siya ng maghiwalay sila ng Ex nya .
"hay naku . e ano lagay nyo ngayon ni Henry ? at ng tatay ng batang yan ??"-
"nakipagbreak ako kay Henry, naaawa kase ko saknya . sabi nman ni James pananagutan niya ang bata pero tinanggihan ko ang alok niyang kasal . sustentuhan niya nalang ang anak nmin"- hinawakan ko nalang ang kamay ni Tin .
alam ko na nahihirapan siya, ng tumingin siya sakin ay ngumiti siya pero naluluha . masakit kayang isuko ang taong mahal mo, kahit diko pa yun nararanasan alam ko na masakit tlga yun . lalo pa ngayon sa kalagayan nya .
"tatagan mo lang ang loob mo be para sa baby, nandito lng nman kmi para sayo"-
"tama ! kahit eengot engot ka minsan dika nmin papabayaan noh !"- sabi nman ni Analyn . ngumiti lng siya at niyakap kming dalawa
"thanks ! kaya mahal na mahal ko kayo e haha ! oh shot na yan !!"
"keltokan ko toh e"-
"haha ! lasenggera kang buntis ka"- natatawang saad ko
"biro lng haha . ikaw be, kelan mo balak lumunok ng pakwan haha "-
"hahaha !"-
"sa takdang panahon be . pagnakahanap na ng boyfriend !"- say ko
"wag kna maghanap ng boyfriend ! asawa na agad para bongga"- Tin
"ou nga ! dun din nman tuloy nun ! para nman may kalaro na agad itong baby nmin"- Analyn
"naku ! wag kayong manukso hindi ako natutukso haha . hindi gnun kadali humanap ng mapapangasawa at wala pa sa plano ko yan !"-
"tama ka ! swerte ko nlang talaga kay Randel"-
"aw inggit much me ! haha"- Tin,
"makakahanap karin nman ng lalaking para sayo tlga be, malay mo si James tlga diba ? siya nman ama ng baby mo"- ngumuso lng siya, mukang dina nga niya tlga mahal si James, khit alam niya kung gano siya kamahal nito . hay pag.ibig saklap pero may pinagsamahan din nman sila at mas matagal pa kesa sa samahan nila ni Henry .
"ikaw din bhei simulan muna maghanap !"- natawang sabi pa ni Analyn
"hihintayin ko nalang darating din yun sa tamang panahon, hindi naman ako nagmamadali haha katamad kaya maghanap. tsaka wala pa naman ako sa trenta kaya nothing to worry"-
"balita ko may naghatid sayo knina ah ? sino yon ??"- pag.iiba nman ni Tin, napangiti ako ng maalala si Claide .
hindi naman kmi close talga nun, at isa lang siya sa mga nirereto ng mga nanay sa paligid ko noon noon pa?
"uy ! manliligaw niya siguro"-
"baliw si Claide lng yon ! "-
"whoaa !! Lang ?? ni La-Lang mo si Claide ??"-
"naks ! si Claide ?? kaya pala tuwang tuwa si Tita Rica at Jenny kase botong boto ang mga yon sayo pra kay Claide haha !"-
-__- tamo ang dalawang toh pati tenga palakpak din tsk .
"tumpak ! oh ano nman ang status nyo ?? break naba sila ni Je kaya gnun kabilis magpalit ??"- curious na tanong nman ni Analyn
"maka status naman toh ! sinabay lang nila ko pauwi ni Je, tsaka malabo yang mga iniisip mo, andudume !"-
"what ?? so sila parin and nagkikita parin sila ?"- Tin
"ganun na nga. and let's be happy nalang sa kanila !"- say ko
"dina ko magtataka . kaya siguro hindi daw makakaattend si Je sa kasal ko dahil invited ang pamilya ni Claide"- napatango lng ako sa sinabi ni Analyn .
kung ano-ano pa mga napagkwentuhan nmin, grabe talaga love story ng mga toh, nawala lng ako ng ilang taon ay gnun na mga nangyari saknila .
nagagawa nga nman ng pag.ibig . hahamakin mo ang lahat . buti nalang hindi pako napapasok sa mahirap na mundo ng pag.ibig na yan . dahil baka kung diko makeribels ay takasan ko nalang.
--
"Kelly !! Kelly !! Kelly andyan ka ba ???"-
lumabas ako ng kwarto ng marinig ko ang boses ni Ate Jenny, pagdungaw ko sa baba ay naron nga siya at senenyasan ako pababa .
"oh te Jen bakit po ??"
"may swimming tayo kaya mag.ayos kna dali !"-
"po ?? s-swimming ???"-
"birthday ngayon ni Claide, sabi ng mama mo daanan kana lng daw nmin dito dahil naron na sila namili ng pagkaen"- natulala lang ako sa sinabi niya . biglaang swimming naman ata ?
"umakyat kna at ayusin ang gamit mo daliii"-
"pero te Jen, ano hindi nalang ako-"
"hindi pwede ! kasama ka . halika na wag kna kumuha ng damit bumili nalang tayo sa shop"- sabay hila niya sa braso ko palabas ng bahay .
"ah eh teka po wla kong dalang-"
"ako na bahala, naghihintay na satin sa labas si Claide"-
bigla akong kinabahan sa sinabi niya, si Claide naghihintay sa labas ??? bakit nandito ang lalaking yun dito??? bigla niya naalala na birthday nga pala nito, naman tanga!, o baka kasama din nila si Je
pagkasara ko ng gate nakita ko nga siya sa labas na nakasandal sa pinto ng sasakyan niya . hindi ko alam kung san siya nakatingin nakashade kase .
hay nman !! -__-
"Okay naba Tita? Tara na??"- sabi niya sa tita niya na parang hindi man lang ako nakita, minsan talaga dimo maintindihan ang isang toh, willing naman ako makipag kaibigan sa kanya kung sakali para walang ilangan, feel ko kase ilang na ilang siya sakin,
"ou tara na at baka magbago pa ang isip ng isang toh, sa unahan ka maupo Kelly"-
napasunod nalang ako, wala nman akong magagawa e, nang sulyapan ko siya hindi ko alam kung namalikmata lang ba ko na nagsmirk siya bago pumasok sa loob .
-__- nu kaya yun?
malamang kami na nman ang nasa hot seat ng mga toh , sabi na eh isa itong prank ng mga nanay sa paligid, hays =_=
minsan naiinis na ko pero ayaw ko lang ipahalata, mas maigi pa siguro na hindi ako umuwi, kaso hindi ko naman matiis si Mama. mamaya isipin nila na choosy pa ko pssh . tsaka isa pa may girl friend na ang isang toh, yon dapat ang nandito ngayon na kasama ng isang toh,,
itinuon ko nalang ang tingin sa labas ng bintana . hindi rin nman ako maliligo don noh ? next day na kaya yung kasal ayoko manegra .
hindi naman kalayuan ang resort kaya andun na agad kami sa Villa Catalina Beach Resort . pagkapark nito ay agad akong bumaba, na'excite akong tingnan ang maasul na beach .
"dyan muna kayo sandali hah, magpapareserve lang ako ng cottage"- sabi ni Te Jen bago kmi tinalikuran, lumabas narin pla ang isang toh .
"Birth day mo ??"- tanong ko sakanya, hindi agad siya sumagot suplado . itinuon ko nalang ang tingin sa beach
"unbelievable ba ?"
"ganun nga ! nagbibirthday kapa pla ? pssh"- tinalikuran ko nalang siya at naglakad papunta dun sa mga cottage para maupo .
dang inet kaya, pero nakakapagrelax ang paligid, ang saya sana magswimming kung marunong lang sana akong lumangoy, nawili akong pagmasdan ang mga bata na marunong lumangoy
"takot mangitim huh ??"- nagitla ako, sumunod pala ang isang toh sabay alis ng shade niya .
"bakit hindi mo kasama ngayon si Je ??"- maya maya'y tanong ko saknya . sandaling sumulyap siya sakin saka tumingin sa malayo
"gustuhin ko mang kasama siya ngayon hindi pwede . alam mong against sakanya ang pamilya ko"
"pssh . hindi mo lang siya kaya ipagtanggol"- bulong ko, pano nman kase kaduwagan ang dating nun . kalalaki niyang tao di kaya ipagtanggol ang girl friend sa pamilya niya .
hindi ko tuloy maisip kung talgang mahal ba ng kumag na toh si Je .
"tsk ! I know what your thingking . humahanap lang ako ng tyempo I know someday matatanggap din nila ang babaeng mahal ko"-
parang may haplos sa pusong sabi niya, nagtaasan tuloy ang mga balahibo ko sa batok . kung totoo nga ang sinasabi niya ang swerte ni Je, kailangan niya nga lang magtiis at maghintay .
sa huli nman siguro ay matatanggap din siya ng pamilya nito . ganun nman daw yon diba ? ayaw ng mga byenan sa mapapangasawa ng anak nila pero wla nman silang magagawa sa bandang huli kundi tanggapin nalang iyon .
"maiba tayo, bakit mo piniling magstay sa manila ?"
"gusto ko lang"-
"o baka dahil may iniiwasan ka ?"- tinaasan ko lng siya ng kilay at siya naman ay parang nagpipigil ng ngiti . baka akala niya siya ang iniiwasan ko ? pssh .
kahit isa yon sa mga dahilan, di na niya pwede malaman, ayoko kase noon sa ideya nila na ipaglapit kmi .
"wala akong iniiwasan, gusto ko lang patunayan sa sarili ko na kaya ko mag.isa"-
"muka namang kaya mo, dahil malaki kana" sinulyapan ko lng siya na agad ding nag.iwas ng tingin
"kaya ko talga noh ! hindi naman ako mama's girl "-
"so parang tinutukoy mo ang pagiging mama's boy ko ?"- napangisi ako sa sinabi niya, aminado e galing manumbok ng ibig kong sabihin .
mula pa nman kase noon sunod-sunuran toh sa nais ng mama niya, malamang hanggang ngayon .
"Wala kong sinasabi, depende nalang kung yon ang iniisip mo"-
"tsk ! Masunuring anak lang ako??"- , napailing lang ako, masunurin daw
"wala akong sinabing mali, natural mother mo yon kaya susundin mo pero not all the times ! alam mo nman siguro ang ibig kong sabihin"-
hindi ko kase maintindihan bakit parang hindi niya kayang panindigan si Je sa harap ng parent's niya . ayoko ng lalaking hindi kayang ipaglaban ang taong mahal niya .
narinig ko pa ang buntong hininga niya
na prang problemado .
"yeah, it was Je"-
"Liit liit ng problema pinapalaki"
"hindi mo maiintindihan dahil hindi ikaw yong nasa sitwasyon nmin"-
"ano bang mahirap intindihin sa parehas nyong nararamdaman ?? mahalaga paba ang sasabihin ng iba sa nararamdaman nyo ??"- natulala nman siya sa sinabi ko .
hindi ko rin eneexpect na lalabas yon sa bibig ko . kung magsalita ko parang expert,
-__-
"ayoko lng masaktan siya ng ibang tao,"-
(*__*)
ako nman ang natulala sa kanya, may point siya e at wala na kong ma say .
"andito lang pala kayong dalawa ! Kelly hija eto na ang damit mo pra makapagpalit kna pag maliligo ka"- sabay kming napatingin kay Tita Rica
"thanks po tita"-
"Claide hijo tulungan mo muna ang papa mo mag.ayos ng mga pagkaen"-
"yes ma"- lumakad na siya paalis, masunuring bata .
"what do you think hija ??"- nakangiti nmang saad sakin ni tita Rica habang nakatingin sa papalayo nyang anak
"ang alin po tita ??"
"sa anak ko, mabait nman siya diba ?? at ang gwapo pa"-
"ah ? hehe . o-opo ! mabait nman po ang anak nyo "- pagtulog po siguro , at gwapo ? ou nalang . nang sulyapan ko si tita mas lalong lumapad ang pagkakangiti niya
"talga ? edi pasado na siya sa taste mo hija ??"-
"hoh ??"-
"ahehe ! "-
-__- ?? ano daw ??
tumawa lng si Tita kaya nakitawa nlang din ako hahahay -,-
maya maya pa nagkainan na, inuman at kantahan dahil nag.arkila sila ng videoke . inabutan nila ko ng isang can beer kaya inabot ko nalang .
mga abala nman sila sa pagkukuwentuhan kaya umalis nalang ako at naglakad lakad . alam ko namang ang topic lng nila ay ako at ang lalaking yon, nakakarinde kaya, ilang taon na ang lumipas kami parin ang pinagpapartner nila na malabo namang mangyari . kesyo daw dapat kmi nalang, mas boto sila sakin, at kung ano-ano pa na hindi ko maisip.
kaya nga siguro tumakas rin ang isang yon, di niya matanggap ang mga naririnig .
sino ba nman kase matutuwa nun ? may mahal kana at gustong iba irereto kapa sa iba, kahit ako din nman noh ?
hindi ko alam kung san na ko napunta, malayo layo narin dun sa cottage nmin . natigilan ako paghakbang ng makita ko di kalayuan si Claide na may kaakbay na babae .
teka ?? sino ang kasama niya ??
lumapit pa ko sa gawi nila para makita kung sino kasama niya na nakashade din . pagtingin ko si Jerlou . napangiti nalang ako Love finds way nga talaga .
pero nawala yung ngiti ko ng maghalikan sila, nakakailang nman tumingin kaya lumakad na ko pabalik . ang bilis ng lakad ko kaya naron na agad ako sa malapit sa cottage nmin .
nakaramdam ako ng pagod kaya naupo nalang ako dun sa katabing cottage . binuksan ko ang dala kong beer at tinungga yun .
hanggang kailan kaya nila kakayaning magtago ?
alam kaya ni Je na nandito rin ako ?? malamang .
"bakit mag isa ka lng hija ? nasan si Claide ??"- napatingin ako ng sumulpot sa tabi ko si Ate Dina, tita ni Claide
bigla ko nataranta, hindi nila pwedeng malaman na magkasama ang dalawa,,
"ah b-bigla p-po na-nawala ? andito lng yon k-knina e . bka po nag Cr ?? opo baka nga !"- ngumiti lng siya sakin kaya medyo nawala yung kaba ko .
hindi nila pwedeng malaman na nandito si Je
"Loko yun hah ? iniiwan ka . by the way cheers for my pamangkin birth day"- napangiti ako at nakipag cheers saknya .
"you know what Kelly, we really really like you for Claide . kung hindi ka siguro sana umalis noon ay ikaw na ang girl friend niya until now "-
"ah uhm . muka nman pong okay sila ngayon ni Je at nagmamahalan tlga sila ??"- alanganing sabi ko pero bigla nag.iba ekspresyon ng mukha nito
"hindi siya ang bagay sa pamangkin ko, ibang babae nalang wag lng siya . mabuti nga kung ikaw nalang kesa sa babaeng yon na kahiya hiya ang pamilya"-
mahigpit kong nahawakan ang beer at tumingin nlang sa malayo . ang sakit nila magsalita, sana man lng meron khit isa na maging boto dun sa dalawa pero parang halos lahat ay against saknila .
kung ako siguro si Je, susuko na ko agad at hahanap nalang ng iba . yong tatanggapin kung anong pinanggalingan ko gano man yon kabuti o kasama .
--
"akala ko hindi ka nag.iinom ??"- napalingon ako dun sa nagsalita na may dala ring beer .
ngumiti lng ako bago muling uminom
"hindi ko nman sinabi na hindi ko kaya"
"I see"- napaurong ako ng maupo siya sa tabi ko . nasan na kaya si Je ??
"s-si Je ??"-
"nakita mo kami ??"- takang saad niya, tumango lng ako .
"pinauwi ko na . mahirap ng makita siya dito nila mama at baka awayin pa siya"
"hindi mo siya kayang ipagtanggol ??"-
tanong ko, hindi lng siya umimik at lumagok lng ng iniinom niya .
"kung ikaw siya magagawa mo pa bang maghintay ??" biglang seryosong tanong niya
"Hindi . dahil muka namang wala akong aasahan" nang sulyapan ko sya ay halata ang pagkabigla niya sa sinabi ko
"ayokong umasa sa isang bagay na walang kasiguraduhan, kung ako siya iiwan na kita . may makikilala pa nman siguro ako na mas better sayo
yung kaya akong ipagtanggol sa pamilya niya at tanggap kung ano ang pinanggalingan ko"
"whoa ! buti nlang at hindi siya ikaw"- reak niya kaya inirapan ko lang, nagtungga lang ulit ito ng beer
"swerte mo lng at hindi siya ako"- natawa lng siya sa sinabi ko, tumayo na ko para bumalik ng cottage .
nakaramdam ako ng gutom . isa tlga sa malaking problema ng tao bukod sa pagkaen ay pag.ibig -__-
pagdating ko don ay mukang nagkakatuwaan sila .
"ayan na pala ang dalawa ! oh dali game na !!!"- sigaw ni Ate Dina
"oh partner partner !! Kelly partner kayo ni Claide"- nakaturo namang sabi ni Ate Neng at hinila ako palapit saknya .
parehas kaming nagtataka at napasunod sa mga ito
"po ??"-
"partner kayong dalawa ! may prize toh ! haha . paubusan lng kumaen ng mansanas pero bawal hawakan"- paliwanag ni Ate Dina . napamaang lang ako, ginawa naman nilang children's party ito .
"katuwaan lang haha ! oh sha pwesto na daliiii !!!"-
napailing lang kami parehas ni Claide, nakasabit yung limang apple at ang iba ay pumuwesto na . wala pa sanang kikilos samin pero hinila kmi ni Ate Jenny papunta dun sa unahan tapat ng mansanas
"hindi pwedeng hindi maubos ang apple hah ! okey ready set gooooo !!!!!"-
nataranta nman ako, hindi ko alam gagawin !! panay nman ang cheer nila samin .
"Go anak !!!!"
"Go Claide !!! Kelly !!"
"ilapit mo sakin yong mansanas ako una kakagat"- utos niya kaya ginawa ko naman . gamit ang noo ko inilapit ko don sa kanya pra masimulan na niya ang pagkagat .
siya nman ang nalapit nung mansanas sakin para makagatan ko . kahit nakakailang pinagpatuloy ko nlang parehas lang naman namin pinagbibigyan ang kagustuhan ng mga nanay sa paligid, minsan ay nadaplis pa muntik pa kming magkangudnguran ng muka buti alert ako umiwas .
nang malapit ng maubos at turn ko ng kagatin yung last part e biglang gumalaw yung tali ng mansanas . nanlaki ang mata ko ng dumampi ang labi niya sa labi ko .
sigawan naman ang lahat,
"sorry !"- aniya at pinagpatuloy lang ang pagkaen sa mansanas samantalang ako .
pkiramdam ko ay sasabog ang muka ko sa sobrang init . y-yung first kiss ko, hindi talaga magandang idea to dahil pinagkakatuwaan lang nila kami
>____<
--