"Andami nman ata ng dala mo ? parang wala kanang balak bumalik ah ?"- napatingin ako kay Andrea at nginitian siya habang nag.aayos ako ng gamit ko pauwing cavite .
dalawang taon ko na siyang kasama manirahan dito sa boarding house namin at halos siya na ang kadikit ko . same company rin kami ng pinagtatrabahuhan .
"alam kong mamimiss mo ko pag hindi ako bumalik !"- sabay ngisi ko sa kanya
"syempre mamimiss ko ata Luto mo sis haha !, baka nman mag.asawa ka lng pag.uwi mo hah ? sasabunutan kita"-
"haha baliw ! kasal ang aattendan ko dun hindi pag.aasawa nu kaba !"- natawa lang din siya . pagtingin ko sa orasan alas sais palang . maaga pa
"naniniguro lng sis ! ayoko maiwan dito mag.isa"
"asus ! ayaw mo pa kase asawahin yong si Lance mo !"- tudyo ko sa kanya, napaikot naman ang mata niya kaya natawa ako . himala ata at hindi na kinikilig ang isang toh ?
samantalang dati marinig palang ang pangalan nito halos magtitili na at manakal sa sobrang kilig .
"baka Lance mo ! ikaw ang bet ng loko haha"-
"pwede ba ? kayo ang MU dyan tapos idadamay mo ko ??"-
"Malabong ugnayan haha ! ikaw ang gusto niya at balak pormahan . tenen porma"- napailing lang ako sa kanya at pinagpatuloy ang ginagawa ko . di ako naniniwala
"bakit ayaw mo ba sakanya ? gwapo, matalino, macho at may K . o san kapa ??"-
"hindi sa ayaw ko pero iba parin pag yong feelings mo para sa tao ay totoo . yung at the end e hindi ka magsisisi na siya ang pinili mo"-
"andae mo sinabi, hindi mo nga siya gusto haha . baliw ka tlaga"- napanguso lng ako at kinuha ang damit ko pang.alis . kagabi pa tawag ng tawag si mama kung anong oras ang uwi ko .
"simple lang nman kase ang gusto ko, yong mahal ko at mahal ako para hindi komplikado"-
"sabi nga nila kung san ang ayaw mo yun ang kadalasang nangyayari sayo . complicated"- inartehan niya pa ang pagsabi nun,
"pssh ! basta yon na yon . ikaw na muna bahala sa kwarto ko hah ! wag ka magdadala ng lalaki at pahihigain dito kundi masasakal kita"- bilin ko pa sakanya, napabungisngis lang siya
"haha ay ! balak ko pa nman na dyan kmi magpagulong gulong mamaya ni Jerome"-
"jume-jerome kna hah ! dun kayo sa kalye magpagulong gulong !"-
"hahaha ! ou na . mas mahal mo pa kama mo kesa sa lalaki e . hanga talaga ko sayo ! idol !"-
"Lol ! "-
--
Nabili ako ng ticket sa Mrt ng nagring ang phone ko, si mama na naman ito panigurado .
"oh hello ma ??"-
( Oy Kelly, asang lugar kana ? kanina pako tawag ng tawag sayo )
"nasa terminal na hoh ako ng Mrt para mabilis ang byahe at makauwi agad ako dyan . alam ko namang miss na miss niyo na ko e"- nangingiti kong saad habang hinihintay ang pagdating ng tren . napatawa nman si mama sa kabilang linya .
alam ko tuwang tuwa toh, ayaw nilang mapalayo ako saknila ni papa dahil nag.iisa lang nila akong anak pero mas pinili ko ang makipagsapalaran sa manila . pakiramdam ko ay nandito ang tadhana ko . nalulungkot man ako na malayo sa kanila pero para rin ito sa sarili ko, gusto ko tumayo mag.isa at ipakita sa knila na kaya ko .
( naku bata ka ! ang papa mo kagabi pa hindi makatulog at tanong ng tanong kung anong oras uwi mo para masundo ka )
"si papa talaga . don't worry ma . matagal tagal ang leave ko at matagal din akong mag'e-stay dyan"-
( ay maigi nman ! ang bestfriend mong si Tin baka magpakasal narin tpos ni Analyn )
"oh talaga ?? nice ! sila rin pala ni Henry ang magkakatuluyan"-
( yon ang akala mo, hindi si Henry kundi si James ! )
"hah ???"- nagulat ako sa sinabi ni mama, paanong hindi si Henry e yon ang boyfriend niya ???
nakita ko na ang parating na tren kaya nagpaalam na ako kay mama . pagtigil nito ay agad ako sumakay at nagsimula na nman siksikan .
naalala ko ulit sila tin, ilang buwan lang akong nawala ganun na nangyari ?? pinaglaban pa naman nila noon ang isa't isa tapos ngayon kay James siya ikakasal ?? e hindi niya nman yon mahal . naku makausap nga ang babaeng yon at wala nakong kabali-balita sa kanya .
masyado rin kase kong naging bc, maging pag.open account sa f*******: ay diko na magawa . ano kaya reaksyon ni Je ?? alam ko sila parin ni Claide . simula ng ibreak siya ni Henry ay si Claide na ang nariyan sa kanya . Mas mahal kase ni Henry si Tin kesa kay Je pero mahal na mahal ni Je si Henry kaya halos magpakamatay siya kakainom ng alak ng malaman niyang si Henry na at Tin .
wala nman kming magawa dahil yun ang pinili ng dalawa kahit pa may masaktan sila . lalo sa part ni Je, nagpasalamat nalang kami at nakilala niya si Claide at naging malapit sila .
siya ang isa sa dahilan kung bakit pinili ko ring magstay sa manila . bata palang kmi ay gusto na ng mga magulang namin na kmi ang magkatuluyan in future, kaya lagi nila kming pinaglalapit pero never kong naging close si Claide o khit maging kaibigan .
iwas ako sa kanya at alam ko ganun din siya sakin . awkward nga pagmagkasama kmi noon, walang naimik at parehas lang nagpapakiramdaman . ewan ko ba, hindi nman sa ayaw ko sa kanya pero ayoko lng talaga ng ginagawa nilang pamimilit samin . kaya pinili ko nalang lumayo .
ilang anak din ng kaibigan nila mama na ang gusto ay ilapit ako sa mga anak nila .ewan ko ba saknila mga nababaliw na ata, habang ako noon ay inis na inis sila mama ay tuwang tuwa lng . kaya ang mga anak nilang lalaki ay nakatikim ng kasungitan ko at simula noon hanggang ngayon ay ilag ng lumapit sakin . ako narin kase ang nagawa ng way para lumayo sila .
ayoko kase ng pinipilit kmi o dinidiktahan, dahil hindi ganon ang tunay na pagmamahal . ayokong sa bandang huli ay parehas kming magsisi . alam ko naman na darating ang araw na makikilala ko rin ang lalaking talagang laan sakin .
napakapit ako sa bakal ng magdagsaan na nman ang laman ng Mrt . nawala tuloy ang mga iniisip ko dahil ang init na ng nararamdaman ko, kung knina ay parang sardinas lng kmi sa lata ngayon ay corned beef na . siksik sa loob !!.
-_-
konteng tiis lng . pagdating sa kabilang terminal marami na ang nagbabaan na maging ang back pack ko na walang kamalay malay ay tinatangay nila .
"teka hoh sandali ang bag ko !"- bumitaw ako sa bakal at hinila nman ang bag ko at paper bag pero pati ako tinangay narin nila, buti nalang may kamay na humawak sa braso ko at nahila ako palayo sa siksikan .
"ayos ka lang ??"- sabi nung humila sakin, nagulat ako ng mapagtanto kung sino siya !!
"Claide ???"-
"dito ka maupo para dika maipit"- hinila niya ko paupo don sa bakante habang siya ay nakatayo lang at sa ibang direksyon na tumingin . hindi na siya namansin dipa rin talaga nagbabago ang isang toh .
"Thanks !"- mahinang saad ko na alam kong maririnig niya pero umakto ng siya na walang narinig . itinuon ko nalang ang tingin ko sa labas ng bintana .
hayyyy !!!!