**
Nagising siya sa malakas na tunog ng alarm clock na nasa gilid ng kama,naramdaman niya ang pananakit ng kanyang ulo, hita at buong katawan, pakiramdam niya ay nakipagbugbugan siya. Napahawak siya sa kayang sentido ng muling kumirot ito,iniisip niya ang nangyari kagabi wala na siyang ibang matandaan bukod sa sobrang kalasingan niya,,
Gagalaw sana siya ng may mabigat na nakadagan sa tiyan niya, saka niya lang napansin na parang may kakaiba, gayon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya ng mapansin ang katabing lalaki na nakahubad at nakayapos ang isang bisig nito sa bewang niya . kinilabutan siya at binundol ng kaba ng mapagtanto niyang maging siya ay wala ring suot na damit, tanging manipis na kumot lng ang nagsisilbing panakip ng katawan niya .
"Kyaaaahhhhh !!!!!!"- inialis niya ang braso nito dahilan para magising ito, agad niya hinila ang kumot pantapis sa katawan niya,,
mas lalo siyang kinabahan at hindi makapaniwala ng makilala kung sino ang lalaking ito na pupungas pungas na nagmulat ng mata
"ahrrgh !! ano bang !!"- tila natigilan din ito ng mapatingin sakanya . bakas din sa mukha nito ang pagkabigla nang makilala siya, kulang nalang ay lumuwa ang eye ball nilang dalawa,
hindi ito pwede ! paanong nangyari toh ??? tanging sigaw ng isip niya
"anong nangyari ??? bakit ka nandito, anong ginagawa mo dito??"- singhal niya dito, mas lalo sumakit ang ulo niya, hindi niya lubos maisip na mangyayari ang bagay na ito sakanya-sakanila ni Claide !,, bakit ito pa!!!,, gusto niya tuloy iumpog sa pader ang kanyang ulo.
"Kelly ? oh my god !! what happened??, I don't know,, -" naguguluhang wika nito at napasabunot sa sarili,
hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil sabay silang napatingin sa biglang nagbukas ng pinto .
Ang mama nilang dalawa at ang tita nito ang naroon sa may pinto at gulat na gulat sa kanila . parang gusto niyang lumubog nalang sa lupa ng mga sandaling iyon, ang mata ng tatlong ginang ay palipat lipat saknila .
"Oh diyos ko !!!"- ang mama niya na napatakip ang bibig pagkakita sa kanya . lagot na siya!
"Mama !"- naluluha niyang saad, gusto niya magpaliwanag pero nagpanik na ang mga ito .
"Husko ! mga batang ito !! napakapupusok niyo !!!!"- impit naman ng tita Jenny nito kaya napatayo ang lalaki sa kama at nagkaundagaga sa pagdampot ng damit nito .
"Anong pinag gagawa niyo hah?,,bakit???" - Mama ng binata at napahawak sa kanyang dibdib
"Mom, let me explain"- Claide
"Mama, tita Let me explain"-
"No, Claide ! pananagutan mo ang ginawa mong ito kay Kelly . hindi ko akalain na magagawa mo ito sakanya, pinagkatiwalaan ka namin!"- mariing saad ng Mama nito bago tuluyang umalis .
"Dalian nyong magbihis at mag.uusap tayo . pag.uusapan natin itong pinag gagagawa niyo !"- pahabol pa na sabi ng Tita Jenny nito,
Parehas silang napamaang sa sinabi ng mga ito, parang nagpanting sa tenga niya ang narinig na "Kasalan", no nagbibiro lang ang mga ito,, isip isip niya,, napayuko nalang siya ng tuluyan ng umalis ang mga ito kasabay ang sunod sunod na pag.agos ng luha niya . nanginginig na hinawakan niya ang puting kumot na nakatakip sa dibdib niya .
"Look Kelly hindi ko alam kung paano ito nangyari sobrang lasing ako kagabi and akala ko ikaw si July, hindi ko sinasadya at hindi ko ginusto ang nangyari "- frustrated na sabi nito sakanya na mas lalo pang nagpabigat sa nararamdaman niya .
"Sa tingin mo ginusto ko rin toh ??? akala ko din ikaw yung boyfriend ko!!"- umiiyak na singhal niya dito,
"May boyfriend ka?"
"Obvious ba?" singhal niya ulit dito,nainis siya na inakala nito na siya si July,, si July na kababata niya na Ex Girlfriend nito,, ngunit pilit niyang inaalala ang nangyari kagabi , hindi siya makapaniwala na ganito ang mangyayari pero wala siyang maalala . napabuga lng ito ng hangin at malungkot na tumingin sa kanya .
"I'm sorry, hindi ko sinasadya kung,,, kung ako ang-"-
"Tama na!, ayoko na marinig ang sasabihin mo, umalis kana nga dito", -aniya, nahihiya siya dahil hindi niya naman ito boyfriend tapos ito pa ang nakauna sa kanya,,
"Pero, kwarto ko toh,,"
Lalo siyang napahiya ng malibot niya ang tingin na hindi niya nga pala ito kwarto, kasalanan niya talaga ito bakit ba siya napunta dito, ganun naba siya kalasing kagabi para pumasok at matulog sa hindi niya kwarto
"Basta umalis kana lang!!!", muling sigaw niya dito, hindi na ito umimik at agad ng tumalikod sa kanya, pumasok na ito sa C.r at naligo,, naiinis siya sa kanyang sarili, ano ng gagawin niya ngayon? obvious naman na kasalanan niya, pinagsasampal niya ang noo kasabay ng kanyang pagluha,, bakit ba ang tanga tanga niya, nag inom lang nagka amnesia na,,
madadala ba ng sorry ang isang bagay na pinakakaingatan niya ay tuluyan ng nawala ???
"Napagkasunduan namin ng mga Mama niyo na Sa ayaw niyo man at sa gusto magpapakasal kayo !"- simulang saad ng Tita ni Claide na nagpabigla sakanilang dalawa. Nanatili namang tahimik ang parehas nilang Ina
"Ano ??"- Siya
"What ??"- Claide
sabay na reak nilang dalawa . parehas hindi makapaniwala sa narinig . bakit ganito kabilis ?? naluluha na sinulyapan niya ang ina . nagbabakasakali na humadlang ito .
"Wala na kong magagawa anak, ayokong magkaron ng kahihiyan ang pamilya natin . paano kung magbunga ang kasalanan nyo ni Claide ? kailangan nyong makasal sa lalong madaling panahon"- wika ng mama niya na hindi sakanya nakatingin .
"Pero mama ?? masyado pakong bata para ikasal"-
"Masyado kapa talagang bata kelly, pero bakit mo isinuko ang iyong sarili kay Claide huh? tingin niyo isang laro lang ang S E X?, na pwede niyong gawin sa edad niyong yan? "
tuluyan na siyang naiyak sa tinuran nito, may punto ito at may dahilan para magalit pero hindi kasal ang solusyon sa pagkakamali nila at sa tingin niya ay may galit ito sakanya .
"Hindi niyo to pwedeng gawin samin Mama, Tita! hindi nyo kami pwedeng pangunahan !!,, isang pagkakamali lang ang nangyari samin ni Kelly"- nagtaas narin ang boses na sabi ni Claide, ramdam niyang labis ang pagtutol nito, kahit naman siya eh,, sino ba gusto makasal sa ungas na toh
"At ano ang gusto mong gawin hah Claide ?? babalewalain mo nalang ang ginawa mo ? niyo ?? ayokong mapahiya ang pamilya natin sa pamilya nila Kelly . kaya papanagutan mo siya . Magpapakasal kayong dalawa sa lalong madaling panahon"- tuloy tuloy na sabi ng Mama nito na ni isa sa kanila ay walang nakaimik .
pakiramdam niya ay para siyang nabingi at tanging malakas na t***k ng dibdib niya lng ang naririnig .
paano na ??
makakaurong pa ba siya ??
maraming magtataka , magkakagulo at magkakasakitan ang madudulot ng kasalang ito ..
--
Ilang araw ng lumipas simula ng mangyari ang pagkakamaling yon hindi na kmi nakapag.usap pa ni Claide at nanatili lang akong nakakulong sa kwarto .
hindi nila hinayaan na kumalat ang nangyaring yon, tanging pamilya lng nila at pamilya namin ang nakakaalam .
hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala . iniaalala ko ang nangyari, parehas kming lasing at ang inakala kong panaginip na magkahalikan kmi ay totoo pla . totoong nangyari iyon .
wala na ata akong mailalabas na luha pa, dalawang araw ko rin yong iniyakan . ang saklap nman ng nangyari sakin, kung siguro hindi ako umuwi hindi ito mangyayari . walang namamagitan samin ni Claide . okay na e, friends na kmi pero bakit kelangan umabot sa ganun ?? kung hindi siguro kami parehas lasing hindi mangyayari ang bagay na yun
sa isang iglap mababago ang buhay nmin pareho dahil itinakda na nila ang kasal namin . khit sila mama at papa ay hindi ko mapakiusapan tama lng daw na ikasal kmi dahil sa nangyari . hindi man lng nila inisip ang mararamdaman ko .
*Tok*tok*tok
katok ng pinto
"bukas yan"- ni pagkilos ay kinatamaran ko na .
"hija may bisita ka nasa sala, kakaalis lang din ng mama mo kasama si Mrs. Lee"-
laging umaalis sila Mama at tita Rica, hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan nila pero nasisiguro ko na tungkol yon sa kasal . hays .
"ocge po manang susunod na ko sa baba . pakihandaan niyo po muna ng maiinom"- tumango lng si Manang at lumabas na ng kwarto .
napabuga ako ng hangin, sino ang bisita ko ngayon ? pati pagtanong kay manang kung sino ang dumating hindi ko na natanong . paano kung si Claide yon ??
binundol na nman ako ng kaba at dali dali na kong bumaba . hindi nga ko nagkamali dahil si Claide nga ang naghihintay sa sala .
kahit anong mangyari kailangan kong humarap sakanya ayaw ko man . hindi ko ipapakita sa kanya na sobra akong nawalan . bahala na
"Ikaw pala"- tumango lng siya, mukha siyang walang tulog , sino ba nman kase ang makakatulog matapos ang nangyari ??
ilang araw rin akong walang balita sakanya . inaalala ko si Jerlou, pano kung malaman niya ito ??
masasaktan siya at kamumuhian niya ko . ayokong mangyari yon !
"I recieve this"- napatingin ako dun sa invitation card na inilapag niya sa center table . naupo ako at kinuha yon .
nanginig ang kamay ko matapos mabasa ang nakasulat sa card .
LEE-SANCHEZ NUPTIAL ???
wedding invitation card nmin ?????
bakit ganito kabilis ?? napakurap ako at parang nanigas ang buo kong katawan
nakalist na dito ang mga sponsors, list ng abay at ng iba pa . maging ang petsa at venue ng kasal .
next week na ??
8th of March ????
"Hi-hindi . hindi toh pwede Claide , hindi tayo pwedeng makasal !"- naiiyak kong saad sakanya pero nanahimik lng siya
"we don't like each other nor love each other kaya hindi pwede matuloy ang kasal !!!"-
"I know !! ginagawa ko ang lahat Kelly to stop this ! pero dahil sa nangyari mas nagkaroon sila ng reason to persue each other .
para tuluyang mapaghiwalay kmi ni Je"- puno ng hinanakit niyang saad sakin . natahimik ako at diko na alam kung ano ang gagawin, parehas na kaming mapapasubo,
"Alam mong parehas nating hindi kagustuhan ang nangyari . isa yong pagkakamali na labis kong pinagsisihan sa buong buhay ko !!!"- umiiyak kong singhal sakanya . napatitig lang siya sakin at hindi agad nakareak .
"alam ko . alam na alam ko yon ! kung pwede ko lng ibalik ang nangyari bago natin nagawa ang pagkakamaling toh, nang hindi ko kayo nasasaktan !"-
"ang sabihin mo duwag ka ! hindi na ko magtataka . hindi mo nga kayang ipagtanggol si Je sa pamilya mo diba ?? ang tumutol pa kaya sa kasalang toh ??"
hindi ko mapigilang saad sakanya, naningkit ang mata niya at sinamaan ako ng tingin .
"Duwag ?? duwag na ba ngayon ang harapin ang kasalanang ginawa ko hah Kelly ??
hindi dahil wala akong magawa para pigilan sila ay Duwag na, first of all iniisip parin kita !
ang kasalanang ginawa ko sayo ! kaya kahit sapilitan itong gagawin kong pagpapakasal sayo gagawin ko .
Dahil hindi ako duwag harapin ang pagkakamali ko,,
hindi ako hihingi ng tawad sayo dahil may taong mas better makatanggap ng paghingi ko ng tawad . at hindi ko alam kung mapapatawad niya pa ko"- saad niya bago lumakad paalis .
lalong nagbagsakan ang luha ko, habang sinasabi niya yon knina alam ko pinipigil niya ang galit niya . bakit kase kelangan pa yon ?? okay lng nman e, kung magbunga man ang ginawa nmin handa kong tanggapin . ayokong matali kmi pareho sa isa't isa .
ramdam ko kung gano niya kamahal si Je habang sinasabi niya ang mga yon knina . may masisirang relasyon dahil sakin .
--
"Handa na ang lahat anak, next week ay ikakasal na kayo ni Claide . naipamigay na lhat ng invitation card"- saad ni Mama, andami ng tumawag at nagmessage sakin na hindi ko sinasagot .
ano namang masasabi ko diba ?? dahil sa katangahan ko namikot ako ng lalaki ?inagaw sa kaibigan ko ? tsk .
"Kelly, okay ka lng ba ??"- alalang tanong ni Papa, nagbagsakan na nman ang luha ko
"Do I look okay Pa ? please . don't do this to me, wag nyong hayaang matuloy ang kasal"-
"napag.usapan na natin ito Kelly, ayaw ka naming masaktan paano kung magbunga ang ginawa nyo ?"-
"mas masakit itong gagawin nyo sakin !isipin nyo nman ang mararamdaman ko . wla na kong paki alam kung magbunga man yon ! kaya ko buhayin siya mag isa khit pa wala ang ama niya !! kaya please"- puno ng pakiki.usap ko saknilang dalawa .
"alam mo ba ang sinasabi mo Kelly ? tinatanggalan mo agad ng karapatan ang ama ng magiging anak mo kung sakali ??"-
"tama na yan . walang magbabago sa napag.usapan ng dalawang pamilya . Anak tanggapin mo ng maluwag ito sayong puso, hindi ka papabayaan ni Claide . once na saktan ka niya, ako mismo ang babawi sayo at magpapawalang bisa sa kasal nyo"- lalo akong napaiyak sa sinabi ni papa .
wlang silbi ang pakiki-usap kong toh, dahil khit umiyak ako ng dugo wlang magbabago . pwera nalang kung magpakamatay ako .
pero hindi !
hindi pa nman ako tuluyang nasisiraan ng pag iisip .
matatapos din ang gulong toh, pero pagkatapos nga lng nun ay iba na ang sitwasyon .
--
Pababa ako ng hagdan ng madatnan sila Tita Rica , Ate Jenny at Mama sa sala's na nag.uusap . madalas sila ngayon sa bahay para pag usapan ang tungkol samin ni Claide, bukas naka schedule ang pasukat ng mga damit para sa kasal .
Ako yata ang ikakasal na parang nagluluksa .
"hindi tlga ako nakapagpigil knina , sinabunutan ko yong babae ! abay nahuli nmin sa condo ni Claide natutulog at magkatabi pa sila ?? gigil na gigil tlga ako !"- talak ni Tita Rica na namumula ang muka sa galit
"kapag nakasal na ang dalawa, pwede na natin idemanda ang Jerlou Bautista na yan pag hindi pa niya tinigilan si Claide, ang landi landi . alam niyang ikakasal na yong isa nagpatabi pa ! pokpok tlga !!"-
natigilan ako sa paghakbang, alam na ni Je ang tungkol sa kasal ?? at magksama sila knina ni Claide ??
ano pa ba ? sila ang magkarelasyon at ako lang naman yung sumira sa kanila, wala dapat kasalang mangyayari
hindi niya agad maiiwan si Je dahil sila ang nagmamahalan, kasalanan ko lahat ng toh
hindi ko pa alam kung ano ang ihaharap sakanya oras na magkita kmi .
nakakahiya na tanging pag.iyak lng ang tangi kong magagawa . tinatawagan na ko ng opisina, tumagal pa lalo ang leave card ko . ang daming problema ! iniisip ko ang trabaho ko baka tuluyan akong materminate . pinaghirapan kong alagaan ang performance ng trabaho ko sa isang publishing company at ayaw kong masira yon .
Lalo pa ngayon na meron daw bagong hahawak ng company dapat ay naroon ako para magtrabaho pero heto ako ngayon at na stock sa problema ko .
naka on ang tv sa sala pero wla nman akong maintindihan sa palabas, lumilipad ang isip ko at kung ano ano nalang ang naaalala . unti unti ko narin natatanggap ang mangyayaring kasalan .
*Tingnong*Tingnong*
napatayo ako ng may magdoorbell, abala si manang sa kusina kaya ako nalang ang lumabas pra tingnan kung sino ang tao .
pagbukas ko ng gate si Rhea kasama si Ritchel , pinsan ni Je at mga kaibigan ko rin .
"kayo pala, pasok kayo sa loob"-
"hindi nman kmi magtatagal Kelly . meron lng akong itatanong"- simula ni Rhea, mukang alam ko na kung ano ang pakay nila .
"a-ano yon ??"-
"totoo ba ? ikakasal kayo ni Claide ???"- napayuko ako saka marahang tumango .
"wow ! totoo nga ! kaya pala ganun kalaki ang problema ng pinsan ko"- di makapaniwalang saad ni Rhea
"pano mo nagawa yon sakanya Kelly ?? akala ko ba magkakaibigan tayo ?? bakit mo ginawa yon kay Je ?? wla siyang kasalanan sayo !! pati ba nman ikaw ?? inahas mo si Claide sakanya !"- giit nman ni Ritchel, maging sila ay galit narin sakin . napaluha nalang ako,
"Pakinggan nyo muna ko, hindi ko nman kagustuhan ang nangyari . parehas lng kming napilitan ni Claide"-
"wala kming pakialam sa reason mo ! napakasama mo . wala kna bang ibang mahanap na lalaking papatol sayo ? kaya pati boyfriend ng pinsan ko sinulot mo"-
nasampal ko si Rhea sa pisngi, hindi ako nakapagpigil . nanginginig ako sa galit , mali ang iniisip nila !! mali ang nagawa ko pero hindi dpat nila ko husgahan
"Hindi totoo yan !! wag mo kong pagsasalitaan ng ganyan Rhea . wala kayong alam sa pinagdadaanan ko !!!"-
"hah ! guilty attack ba ?? sampalin mo man ako ng paulit ulit hindi na yon magbabago ! ahas ka Kelly !!"- mariing saad niya bago ko tinalikuran
"Congrats narin pala senyo ! diko akalain na ganyan kang kaibigan Kelly . akala nmin tropa tayo wlang talo talo pero ikaw ?? boyfriend ng kaibigan mo ang aasawahin mo ?? goodluck sayo"- pahabol na saad ni Ritchel bago sumunod kay Rhea .
"Kaibigang tunay talaga kayo . salamat narin sa suporta"- pinunasan ko na yong luha ko bago pumasok sa loob .
grabe sila ?? anong klase silang kaibigan ?? kung sana alam nila ang hirap ng sitwasyon ko . hindi ganun kadali sakin tanggapin ang lahat, ang maikasal sa lalaking hindi ko mahal at lalo ang agawin siya kay Je . Pero hindi ko naman sila masisisi, kahit sino magagalit din sa parehas na kasalanan namin ni Claide
"Be ??"- napalingon ako at nakita ko si Tin . lumapit ako saknya ay yumakap
"hindi ko nman gusto yong nangyari be, pero bakit hinusgahan nila agad ako ?? hindi ko gustong saktan si Je kaibigan ko rin siya"-
"sshh . tahan na be, nabigla lang siguro sila sa nabalitaan pero hindi kita masisisi . kagustuhan ng mga parent's nyo yan . wag mo na sila alalahanin okay ? tumawag nga pala si Analyn, nag.aalala din siya sayo . kaso hindi pa sila agad makakauwi dahil may bagyo sa leyte"
"hindi ko lng maintindihan bkit ganun sila ? lahat nman kmi ay biktima dito . ou ksalanan ko pero handa ko nman tanggapin yon at kalimutan nlang ang lahat, pero naipit kmi parehas ni Claide sa kagustuhan ng mga magulang namin"- umiiyak ko paring saad sakanya, pakiramdam ko gusto ng sumabog ng dibdib ko sa sobrang sama ng loob .
"maiintindihan karin nila be, kung hindi man nila maintindihan wla tayong magagawa pra iplease sila . basta isipin mo ay yong tama, para sayo toh kaya ginagawa nila . ou mahirap pero nandito lng ako okay ?? wag kna umiyak . walang dpat manisi sayo dahil wala silang alam sa pinagdadaanan mo"- napayakap ulit ako kay Tin at sakanya nag.iiyak .
mas hindi ko ata makakaya kung wala siya para damayan ako . bakit kelangan mangyari toh ?? ilang tao pa ba ang sasaktan ko ??
paano kung si Je na ang makaharap ko ? papakinggan niya kaya ko ??
Ang sakit lng na ang mga tinuring mong kaibigan pa ang nanghamak sayo . wala pa silang alam pero ang sakit na nila magbitaw ng salita .
sabagay hindi ko sila masisisi .
dpat lng sakin ang galit nila kaya tatanggapin ko .