Pagkatapos nilang kumain, tinapos nila ang natitirang papeles at inihatid na siya nito sa kanila dahil mag alas nuwebe na. Pinilit pa siya nito dahil ayaw niyang magpahatid. Sa loob ng sasakyan tahimik ito, Ano na naman kayang nasa isip nitong gwapong nilalang na ito? Naaalala kaya nito ang halikan moment nila sa lagoon? Parang hindi naman yata. Mabuti naman at ng di masyadong awkward. Malingon lingon siya dito. "What Miss Austen?" "Ah, nothing."Ano ba yan, pati ba naman paglingon niya dito may mutibo? Magdrive kana lang kasi. Bakit ba kung ano ano na lang naiisip niya. Bakit ba kasi nag offer ito na ihatid siya kung di naman pala sila mag imikan, nakaka awkward. "If you have something in your mind. Go on asked me. There is no need for you to look at me like every five seconds." "I w

