MANILA, PHILIPPINES Bumungad kay Georgianne ang matataas na buildings. Ang buhay na buhay na lugar sakabila ng anong oras na. Ang mga city lights at ang mga taong parang bampira dahil sa ganitong oras ay gising na gising pa ang mga diwa. Ten o’clock na, pero sa hasyenda ang ganitong oras ay patay na. Tulog na ang mga tao at kuliglig lang ang maririnig sa paligid. “Bakit ang tahimik mo naman yata ngayon, ate?” untag sa kanya ng kapatid na si Giuseppe. Ito ang sumundo sakaniya sa bus terminal. Napabuntong-hininga siya. “Namimiss mo na si Kuya Jaime ‘no? Sus aarte-arte ka pa kasi, alam ko naman kayo ang magkakatuluyan. Aba eh noon pang mga bata kayo ganyan. Lagi mong inaaway. Nagpapansin ka kasi,” at tumawa ito. Nanlaki ang mga mata niya at hinampas ang bunsong kapatid. “Hah! Napakaano ta

