ILANG LINGGO pa ang lumipas. Nang araw na iyon ay hindi gaano karami ang trabaho sa hasyenda. Kaya naman nakapagpahinga si Georgianne sa duyan na iginawa sakaniya ng binata sa puno ng mangga. Nagpapahinga siya ng matiwasay ng may tumawag sa pangalan niya. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya si Jonas na nakangiti habang nakatunghay sakaniya. Pawisan ito at marumi ang suot, ngunit hindi nakabawas iyon sa kagwapuhang taglay nito. "Sorry, naistorbo ko ba ang pagpapahinga mo?" nakangiting tanong nito. Umismid siya. "Hindi ba obvious? Grabe ka hah! Ang sarap na ng panaginip ko eh," pagbibiro niya. Nagkatawanan sila. Bahagyang bumangon ang dalaga mula sa pagkakahiga sa duyan at iginala ang mga mata. "Wala ka na bang trabaho?" Nagkibit-balikat ito. "Wala na, tinapos ko na. Medyo maluwag-lu

