MATULING LUMIPAS ang mga buwan. Hindi na namalayan ni Georgianne na ilang buwan na pala siyang naninirahan sa Ilocos Sur. Parang kailan lang noong pumarito siya at ngayon ay buwan na siyang nakatira roon. Sino bang magaakala na ang prinsesa ng mga Rosselli ay ngayon isang simpleng tao at gumagawa ng gawaing bukid ngayon? Hindi nga rin niya alam kung paano niyang natiis manirahan dito at sa pag-aalipin sakaniya ni Jaime. Okay, hindi naman talaga literal na pang-aapi. Tinuturuan siya nito sa lahat ng bagay na mangmang siya. Ang tanging pakunswelo lang niya ay ito ang tipo ng nagtuturo na tinuturuan siya sa bagay na hindi niya alam, pero sa hindi nakakainsultong paraan. Goal lang siguro talaga nito ay matuto siya sa buhay. At proud naman siyang sabihin na kabisado na niya ang buong lupain n

