Magkahawak-kamay na lumabas ng building sina Jeremy at Vita. Hindi maialis sa labi ni Jeremy ang isang magandang ngiti. Talagang masaya siya ngayon dahil sa wakas ang babaeng lihim niyang minamahal noon at natatakot siyang baka hindi din siya mahalin nito pabalik, ay mahal siya ngayon at sila na nga. Agad siyang sinagot ni Vita kanina dahil bakit pa patatagalin ang ligawan kung mahal naman nila ang isa’t-isa. Pero syempre, hindi siya papayag na hindi niya ito ligawan. Kahit na sila na ngayon ay liligawan pa rin niya ito araw-araw at ipaparamdam niya dito na mahal na mahal niya si Vita. “Gutom ka na ba?” tanong niya ng makarating sila sa sasakyan nito. “Ako na ang magda-drive.” Kinuha nito ang susi ng sasakyan saka hinila si Vita papunta sa passenger seat. “Sigurado ka?” Ngumiti siya di

