Dalawang araw na ang nakakalipas simula ng sabay silang matulog ni Vita sa hotel. Hindi niya maiwasan na magtaka dahil dalawang araw na ang nakakalipas at hindi pa rin niya nakikita ang dalaga. Hindi ito pumapasok sa opisina at kapag pinupuntahan naman niya ito sa bahay nito ay palaging wala. Hindi niya tuloy maiwasan na mag-alala para dito. Baka kasi may nangyari dito o kaya naman nagkasakit ito dahil sa pagiging busy sa trabaho. Kapag talaga nagkasakit ito ay hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili dahil hindi niya ito naalagaan ng mabuti. Nandito siya ngayon sa harap ng bahay nina Vita. Magbabakasakali siya na makita ito ngayon at makausap. Ni tawag o text kasi nito ay hindi nito sinasagot. Kapag tinatawagan niya ito ay hindi nito sinasagot ang tawag o kaya naman hindi niya ma

