Kinabukasan ay maagang umalis ng bahay si Jeremy. Kung maaga siyang pumapasok noon ay mas maaga siyang pumasok ngayon. Muntik na nga siyang hindi makatulog sa sobrang excitement na nararamdaman niya.
Excited na excited na siyang makilala ang asawa ng boss nila at marinig mula dito na promoted na siya bilang isang manager. Masaya siya sa naaabot niya ngayon. Nagbunga din ang kasipagan niya. Kapag talaga may itinanim, may aanihin.
Hindi man siya nakapagtapos ng pag-aaral ay may nararating naman siya sa buhay. Ilang taon man siyang nagtrabaho sa Cafe bago umangat ang posisyon niya ay ayos lang sa kanya. Worth it naman ang pagod niya at pinaghirapan niya din kung nasaan siya ngayon.
"Good morning, Ma'am. What's your order?" tanong niya sa isang babae habang nakangiti dahilan para makita nito ang malalim niyang dimple at mamula ang mukha nito.
Hindi man niya sinasadya o ginagawa lang niya ang trabaho niya ay may mga babaeng customer siyang napapakilig. Bata man ito o matanda. Babae man o bakla. Minsan nga ay tinutukso siya ng mga kasama niya na may lalaki siyang nagagawang bakla dahil sa kagwapohan niya. Napapailing na lang siya sa mga pinagsasabi nito at hindi naniniwala.
"Isang cappuccino at vanilla cake, please" sabi nito na tila nahihiya pa.
"Isang cappuccino at vanilla cake,” pag-uulit niya sa order nito na ikitinango naman nito. “Okay, Ma'am." Sinabi niya ang babayaran nito saka binigyan ito ng number. "Your order will be serve in a few minutes. Thank you."
"Thank you din," sabi nito saka umalis.
"Good morning, Ma'am. What's your order?" tanong niya sa isang lalaki pero nakadamit pambabae. In short, isang bakla.
Kapag bakla ang customer niya ay tinatawag niya talaga itong ma'am. Baka kasi ma-offend ito kapag tinawag niyang sir at masuntok pa siya ng wala sa oras. Nagulat silang lahat ng bigla itong tumili. Nanlaki ang mga mata niyang nakatingin dito. Biglang napalapit sa kanila si Sandra dahil sa tili nito.
"What happen?" nag-aalala nitong tanong sa kanya.
Napakibit-balikat siya. Kahit siya ay hindi alam kung anong nangyari. "Hindi ko alam. Bigla na lang kasi siyang tumili. Hindi ko alam kung bakit."
Tumingin ito sa customer. "Excuse me, Sir. I... I mean…" napailing ito. Tila ba nalilito kung ano bang itatawag sa lalaking nakadamit pambabae na customer nila. "May I know what's the problem is?"
"Wala naman," sabi nito na tila ba pinipigilan ang pagngiti. Kinagat pa ang labi nito.
"Kung wala naman po pala, bakit po kayo tumili?"
Nagulat na naman sila ng tumili na naman ito, but this time mahina na. Tinuro siya nito dahilan para mapaturo din siya sa sarili at naguguluhan. Napatingin naman sa kanya si Sandra dahilan para muli siyang mapakibit-balikat.
"Kasi tinawag niya akong ma'am," sabi nito habang kinikilig. "Ang gwapo pa naman niya."
Hindi maiwasan ng mga tao sa loob ng Cafe na mapatawa habang siya naman ay napasapo sa noo. Akala niya ay kung ano na. Natatawa na lang na napailing si Sandra. Nagpatuloy ang araw na busy hanggang sa umabot na ng hapon.
"Jeremy, nandito na ang asawa ni Mr. Santos. Pinapapunta ka na niya sa opisina."
"Sinong papalit dito?" tanong niya habang nakatingin sa mataas pa ding pila. Palaging busy ang pila niya at nakakapagpahinga lang siya kapag oras na ng kain at merienda niya.
"Ako na muna ang bahala diyan. Puntahan mo na. Malay mo promotion na 'yun,” may malaking ngiti nitong sabi sa kanya.
Hinubad niya ang suot na apron saka inilagay sa isang mesa. "Salamat."
"Sige na. Kapag na-promote ka na, libre mo ako ah." Sinuot nito ang extrang apron.
"Sige ba, basta kwek-kwek." Natawa ito sa sinabi niya.
Inayos niya muna ang damit niya bago kumatok sa pinto ng opisina. Kailangan presintable siyang makita ng asawa ng amo nila. This is it, Je!
"Pasok," rinig niyang sabi ng isang babae mula sa loob
Huminga muna siya nang malalim bago pinihit ang pinto saka pumasok sa opisina nito. "Good afternoon po, Ma'am. Pinapatawag niyo daw po ako?"
Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang ng makitang iba itong makatingin sa kanya. Para bang pinag-aaralan nito ang kabuuhan niya. Napapailing siya sa isiping kakaiba ito tumingin sa kanya. Iniisip niya na baka ganito lang talaga ito makatingin sa mga tao.
Sa tingin niya ay lagpas kwarenta na ito. Matanda na pero hindi matatago sa mukha nito na maganda ito noong kabataan nito. May make up pa rin ang mukha nito at kapansin-pansin ang mapupula nitong labi dahil sa lipstick na gamit nito.
"Jeremy, right?" tanong nito sa kanya nang matapos na itong pag-aralan ang kabuuhan niya.
"Yes, Ma'am," magalang niyang sagot saka ngumiti dito.
"Maupo ka," sabi nito saka tinuro ang visitor's chair. Naupo siya saka tumingjn dito. "Alam kong aware ka kung bakit kita pinatawag ngayon." Ngumiti lang siya dito bilang sagot. Umaasa siyang tungkol ito sa promotion niya, pero ayaw niyang sabihin nang direkta dito dahil baka sabihin nitong nagmamadali siyang ma-promote. “It’s about your promotion.”
Bigla siyang nakaramdam ng kaba at the same time ay saya. Ito na nga ang hinihintay niyang promotion. Sa wakas mas makakapag-ipon na din siya para sa mga kapatid niya, kapag nagkataon ay hindi na niya hahayaan na maglabada ang ina niya. Sa bahay na lang ito at mag-aalaga sa mga kapatid niya at sa ama niya.
"Salamat po, Ma'am." Pigil ang mga ngiti na nagpapasalamat siya dito.
"Pero gusto kitang i-promote hindi bilang isang manager dito."
"Ho?" nagtataka niyang tanong. Hindi niya kasi alam kung anong ibig-sabihin nito.
Tumayo ito saka pumunta sa likod niya. Biglang tumayo ang mga balahibo niya nang hawakan siya nito sa balikat. Hindi lang hawak ang ginawa nito, kung hindi himas. Napalunok siya nang mariin sa ginagawa nito. Bigla siyang kinalibutan, pero hindi niya pinahalata. Asawa ito ng boss niya at kapag na-offend niya ito ay baka ang promotion na matagal na niyang hinihintay ay mawala pa na parang bula.
"Gagawin kitang manager sa isang opisina ng asawa ko. Kapag doon ka magtatrabaho makakakuha ka ng malaking sweldo at dudublehin ko pa ang bonus mo."
"T-talaga po?" Kahit nanginginig ang boses ay pilit niya pa rin itong pinapatatag.
"Yes. You can get another bonus for being the earliest and the best employee of the year." Pumunta ito sa harap niya saka naupo sa kaharap niyang upuan. "Of course, there is a condition."
"Ano po 'yun?" Kung kailangan niyang mas sipagan pa sa trabaho ay gagawin niya, ma-promote lang siya at magkaroon ng malaking sweldo.
"Have s*x with me."
Bigla siyang nasamid sa sariling laway. Hindi makapaniwala sa narinig. Teka! Tama ba ang narinig niya o baka naman nagkakamali lang siya.
"H-ho?" Napatawa siya kahit ang awkward na ng atmosphere nilang dalawa. "Ano po ulit ang sinabi niyo? Mukhang hindi ko ho ata narinig ng maayos. Para kasing—"
"I know you heard me right." Napalunok siya saka napatitig sa matanda.
So, tama nga ang usap-usapan na naririnig niya sa mga dating empleyado dito noon. Na isang manyakis ang asawa ng boss nila at ang punterya nito ay ang mga gwapo at bata nitong empleyado. Aalokin nito ito ng mataas na posisyon at sahod kapalit ang pakikipagtalik dito. May iba na tumanggi at may iba naman na pumayag. Mukhang matindi ang pangangailangan ng mga pumayag.
Tumayo siya saka taas-noong tumingin sa matanda. "Pasensya na, Ma'am, pero hindi ko po matatanggap ang alok niyo."
"What?" Tumayo ito saka lumapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa braso. "Kulang pa ba ang offer ko? Anong gusto mo? Ibibigay ko, kahit ano."
Tinanggal niya ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. "Pasensya na po talaga, Ma'am. Hindi po ako gano'ng klasing lalaki kung iyan ang inaakala niyo."
Tumalikod na siya papaalis. Nang mahawakan niya ang doorknob ay bigla itong nagsalita, "Kapag hindi ka pumayag sa gusto ko ay hindi kita ipo-promote," pagbabanta nito sa kanya.
Lumingon siya dito saka ngumiti nang magalang kahit na hindi ito kagalang-galang. "Ayos lang po, Ma'am, kaysa naman umangat sa ganyang paraan. Mas gusto ko pa pong maging cashier na lang habang buhay kaysa tumanggap ng pera pambili ng pagkain galing sa mga katulad mo."
Tuluyan na siyang lumabas sa opisina nito. Hindi niya aakalain na ang matagal na niyang hinihintay na promotion ay may gano'n pa lang kapalit. Kung gano’n pala ay magtitiis na lang siya bilang isang cashier.
"AYOS ka lang ba, Je?" Nabalik siya sa reyalidad ng marinig ang boses ni Sandra.
"Ah! Ayos lang ako." Napatingin siya sa paligid at doon niya lang napansin na umalis na pala ang mga kasama niya at tanging sila na lang dalawa ang naiwan.
"Kanina ko pa napapansin na mukhang wala ka sa sarili simula ng ipatawag ka ni Madam. Bakit? Anong nangyari?" sunod-sunod nitong tanong.
Tuluyan na niyang sinara ang Cafe saka sabay silang naglakad ni Sandra. Ihahatid niya ito sa sakayan.
Napabuga siya ng hangin. "Mukhang hindi na matutuloy ang promotion ko." May lungkot ang himig niya.
"Ha?" Nagulat ito. "Bakit? Ano bang nangyari kanina sa pag-uusap niyo ni Madam?"
"May kapalit pala ang promotion ko."
"Oh my gosh!” Napatakip ito sa bibig dahil sa gulat. “Don't tell me totoo 'yong mga chismis tungkol sa sinasabi ng mga dating empleyado sa Cafe tungkol sa kanya?"
Napabuntong-hininga siya saka tumango. "Gano'n na nga."
"Anong naging sagot mo?"
"Syempre hindi ako pumayag. Bahala ng maging cashier ako habang buhay."
Napahawak ito sa dibdib at nakahinga nang maluwag. "Mabuti naman at hindi mo tinanggap."
"Hindi talaga. Bahala ng maging taga-linis ulit ako basta hindi ko tatanggapin ang offer niya. Hindi ako gano’ng klasing lalaki, no. Na mas pipiliing umangat sa buhay kahit na sa masama o sa marumi trabaho galing ang pera."
Kahit kailan ay hindi niya tatanggapin ang offer nito. Lagi niyang sinasaisip ang payo palagi ng kanyang ama na huwag mawala sa tamang daan at laging gawin ang tama.