"Kird, tara cutting!" umagang-umaga ay nag-iingay na naman si Zyair, inilingan ko naman siya, "Hindi uso sakin 'yan," bigla siyang napatigil sa paglalakad at nanlalaki ang mga mata na nakatitig sa akin, "Gago, doppleganger ka ni Kird 'no?! Creepy puta!" niyakap pa niya ang sarili niya. Bahagya naman akong natawa na mas ikinagulat niya.
"Tangina, tumawa pa hindi ka talaga si Kird!" nanakbo na siya papasok ng classroom kaya sinundan ko na lang siya, nakatakip pa siya ng bag sa mukha pagkapasok ko, "Mukha kang tanga," sambit ko. Kaunti pa lang kaming tao dito ngayon at tanging si Eury lang ang class one na nandito. Tumayo siya at lumapit sa aming dalawa ni Zyair.
"Hello, good morning," bati niya, mabilis na inalis ni Zyair ang bag sa mukha niya at ngiting-ngiti sa kaharap, "Good morning, beautiful Eury." Nginitian lang siya ni Eury bago inilahad sa amin ang folder na hawak niya.
"Ito nga pala 'yung list of activities na gagawin natin para malaman natin kung saan kayo magaling at kung ano man ang pwedeng talents niyo na mailalabas niyo. Don't worry, hindi lang naman kayo ang gagawa n'yan kun'di lahat tayo sa grupo," tinignan ko ang ibinigay niya at marami ngang mga gawain ang inilagay niya doon. May sayaw, kanta, instrumental activities, theater act, sports, arts, at academic activities ang nakapaloob doon. Tumango lang ako. Isa sa naisip ko kagabi ay kailangan kong makakuha ng mga impormasyon sa plano nila kung makikisama ako ng ayos sa kanila, pwera kay Seven.
"Ayos na ba 'yan? Wala kayong gustong idagdag or suggestion?"
"Pwede bang idagdag 'yung talent sa love? Pakiramdam ko kasi na-love at first sight ako sayo," inilapit pa niya ang mukha niya sa dalaga, agad namang inilayo ni Eury ang mukha ni Zyair sa mukha niya gamit ang kanyang daliri at inilagay sa noo ni Zyair, "Puro ka kalokohan, Zy," kinilig naman si tanga at humarap sakin, "Pare, narinig mo ba 'yun? May nickname na siya sakin, Zy daw!" tuwang tuwa na sigaw niya at niyugyog pa ako.
"Manahimik ka na nga, araw-araw na lang napaka-ingay mo e," inis na sambit ko dahil naririndi na ako sa kanya. Natawa naman sa amin si Eury, "I guess wala naman kayong suggestion. Later kapag time na natin kay Miss Sementel, iyon ang time para magawa natin ang ilang activities na nakalagay dito."
"Sige, salamat," tanging sagot ko lang bago siya umalis sa harapan namin, sakto din naman at kakapasok lang ng mga kaibigan niya. Hindi ako sanay makipag-usap sa ibang tao pero kailangan kong gawin. Sa akin agad ang paningin ni Seven kaya tinitigan ko din siya at hindi ako nagpa-talo.
"Good morning class, we don't have discussion today since you are all going to focus for your group activity. It's your choice on where will you practice. You have two hours to practice or plan about your performances. You may start now." Nagsitayuan na ang iba naming kaklase at lumabas ng classroom, ang iba ay narinig ko pang tatambay lang sa cafeteria dahil walang alam sa dapat gawin, ang iba naman ay tinatamad.
"I already reserved the gym for us today, let's go," ani Priscilla. Tumayo sila at inayos ang mga gamit, dala nila ang kanya-kanya nilang bag kaya dinala ko na din ang sa akin. Si Zyair naman ay iniwan ang gamit niya saka kami sumunod sa mga class one students. Nang makarating kami sa gym ay may walong upuan ang naka-bilog ang pwesto sa gitna ng gym. Malaking bilog ito kaya naman ay nagtaka kami ni Zy pagkalapit sa gitna.
"Let's sit first," utos ni Wren, sumunod na lang ako. Katabi ko sa kanan si Zyair at sa kaliwa naman ay si Eury. Nang maka-pwesto na ang lahat, nag-simulang magpaliwanag si Wren kung bakit ganito ang set-up namin ngayon, "Since the two of you are still wondering why are we like this, it's--" naputol ang sinasabi niya nang umeksena si Zyair, "Teka, teka, pwede ka bang mag-tagalog? Nakakadugo talaga ng ilong, promise!" itinaas pa niya ang kanang kamay niya bilang sign ng 'promise'.
"Tss, class eight nga naman," reklamo muna ni Wren bago nagpatuloy sa eksplenasyon niya, "May mga ginawa si Eury na list of activities at sa dalawang oras na mayroon tayo, gagawin natin lahat 'yon, lalo na kayong dalawa," tinignan niya kami ni Zyair, "Lahat kami dito ay alam na ang mga talento namin, ang grading ay individual then groupings kaya dapat din namin kayong pagtuonan ng pansin para mabuhat namin kayo sa grades," pagyayabang niya.
"Simulan na natin," putol ko sa kaniya dahil ang dami pa niyang sinasabi, "Bago ang lahat, dapat makilala muna namin kayo. We still don't know your names, well aside to you Mr. Kird," singit ni Priscilla. Paniguradong nakilala nila ako dahil kay Seven, "Ako nga pala si Zyair Cree, Zy na lang ang itawag niyo sakin para hindi kayo mahirapang tawagin ang maganda kong pangalan." Pangunguna ni Zy at sa akin na natuon ang atensyon nila, bored ko silang tinignan, "Hindi ko na kailangan magpakilala dahil kakasabi lang ni Priscilla na kilala niyo na ako," walang gana na sabi ko.
"You can call me Cilla na lang," nagkibit balikat lang ako, "Ang una nating gagawin ay kung ano ang una sa listahan. Sa category of music, let's start with a dance. Isa-isa tayong sasayaw sa gitna, freestyle or pwede mo namang gayahin sa internet kung may oras ka pa at hindi pa ikaw ang sasayaw. Ako nga pala si Thalia," paliwanag niya, iyong naka-bangs din na mahaba ang buhok na ash gray ang nagsalita, "Simulan natin kay Aiden," bahagyang bumulong naman sa akin si Zy, "Kird, sino si Aiden d'yan?"
Tumayo na si Aiden at pumunta sa gitna para mag-simula, "Ah siya pala," sagot ni Zy sa sarili niyang tanong kanina, "Alam ko naman na dancer na talaga ako kaya papakitaan ko kayo." mayabang na sambit nito. Nag-simula na siyang magpatugtog at sumayaw sa harapan namin. Dancer nga ang galawan niya at hindi mapagkakaila na magaling siya.
"Sumasali na siya sa mga dance contest dati kaya talent niya talaga 'yan," bulong bigla sa akin ni Eury, wala naman akong paki, "Talent na niya 'yan? Kahit sino naman ay kayang sumayaw," walang ganang sagot ko.
"Hey, ako nga hindi marunong sumayaw e. So hindi lahat ay may talent na magaling sumayaw," hindi ko na lang siya pinansin, natapos naman na mag-sayaw si Aiden. Sunod ay tumayo na ang katabi niyang si Cilla na bahagya pang nahihiya kasama si Wren, "Don't expect too much ha. I'm not good into this kind of stuffs. We will do the sway dance." Nag-simula na din silang mag-sayaw, dahan-dahan lang ang sayaw nila kasama na din ang tugtog kaya naman ay nakaka-antok. Tama nga siya, hindi sila ganoon kagaling sa pagsasayaw. Sumunod ay si Thalia, bahagya akong natawa noong nag-simula siya. Wala nang salita-salita ay nag-simula siya at muntik na lumambot ang katawan niya sa pagsa-sayaw.
"OMG GO THALIA!!" pangchi-cheer ni Cilla sa kaniya kahit siya din mismo ay natatawa sa kaibigan, "Sunod ka na," sambit ko kay Eury nang matapos ang kaibigan niya. Tinignan muna niya kaming dalawa ni Zy, "Don't laugh at me, please," sambit nito bago tuluyang pumunta sa gitna at inihanda ang sasayawin niya. Kinikilig naman sa tabi ko si tanga, "Go, Eury my loves!" walang hiya na sigaw niya. Napatingin naman sa kaniya ang mga kaibigan ni Eury, tapos ang reaskyon ni Eury ay sinamaan lang siya ng tingin. Sinayaw niya ang mga remix na kanta lang at maayos naman. "Galing mo Eury, sa susunod partner din tayo katulad nila pareng Wren." sambit ni Zy matapos sumayaw ni Eury at bumalik sa upuan, "It's your turn." tanging sagot lang ni Eury sa kanya.
"Hindi ako nakapag-handa sa mga paganito niyo pero may nakita ako kanina sa youtube. Libre lait guys." Sinimulan na niya sayawin ang ginaya niya sa youtube kaya hindi ko na din napigilan ang sarili ko at nakitawa kasama ang mga nasa paligid ko. Gago talaga 'to dahil ang ginaya niya ang mga sexy dance.
"So, who's next?" tanong ni Thalia nang matapos na si Zy sa katangahan niya. Nagkatinginan kami ni Seven dahil kami na lang ang natitirang hindi pa sumasayaw.
"You first."
"Ikaw na."
Sabay na sambit namin sa isa't-isa at nagkatitigan, "Oh, I can feel the tension," singit ni Cilla. Umiwas na ako ng tingin, "Seems like pareho kayong nagmamatigasan so, sabay na lang kaya kayo mag-perform?" suggest naman ni Eury. Mabilis akong umiling, "Mauna na siya. Class one muna," sambit ko.
"Mukha namang hindi din pagsasayaw ang talent mo, kaya bakit hindi na lang tayo mag-sabay?" hamon sa akin ni Seven kaya nginisian ko siya, "Sige ba," sabay kaming tumayo at pumunta sa gitna, "Kayo na ang mamili ng kanta, freestyle ang gagawin namin," utos niya sa mga kaibigan niya. Pumili muna si Aiden ng tugtog bago kami nag-simula. Si Seven ang pina-una ko sumayaw, noong una ay hindi niya napansin na hindi kami magka-sabay pero kalaunan ay tumigil siya mag-sayaw at tumingin sa akin. Hindi nga siya magaling sa ganitong talento, kaya naman nginisian ko siya. Sakto naman na maganda ang beat ng tugtog kaya na-simula na akong pakitaan siya. Ang sabi niya kanina ay mukhang hindi ako magaling sa ganitong bagay kaya natawa ako sa itsura niya nang makita akong sumayaw.
"Sabi ko na hindi talaga ikaw si Kird, e! Go, pare!" sigaw ni Zyair. Nag-sabay na kami ng sayaw ni Seven at bigla ay tumigil siya, "Tama na," sambit niya. Pinatay ni Aiden ang sounds at tumigil na din ako. Bakas sa mukha ni Seven ang pagka-inis dahil siguro sa nakita, "Don't judge the book by its cover, ika nga," pagyayabang ko bago bumalik sa upuan. Tinapik naman ni Zy ang balikat ko bago bumulong ng, "One point."
"That was instense! Sana more pa later," natutuwang sambit ni Priscilla kaya sinamaan siya ng tingin ni Seven, nginitian lang siya ni Priscilla, "To summarize it all, Aiden and Kird Orson was the one who have talent in terms of dancing," nagpalakpakan naman ang iba sa sinabi ni Wren, "Next is singing. Who wants to do it first?"
Nagtaas ng kamay si Thalia, "Ako na ang mauuna!" excited na sabi pa niya. Pumunta na ulit siya sa gitna at nagpatugtog ng instrumental beats ng kakantahin niya. Nagsimula naman siya sa pagkanta. Malumanay lang ang boses niya at ang sarap pakinggan. Kaya din niyang maabot ang mga matataas na nota. Nagpalakpakan naman ang mga kaibigan niyang babae nang matapos siya, "I'm next!" prisinta ni Cilla at nanguna na sa gitna. Ang boses niya ay iba sa boses ni Thalia. Hindi bagay sa kanya ang mga mababagal na kanta pero masasabi kong maganda din ang boses niya. Kung sabagay, may iba-ibang genre din ang mga kanta. "Do you love my song?" tanong niya kay Wren nang matapos siya, "I love you more."
"s**t, kinilabutan ako," epal ni Zy sa kanila at niyakap ang sarili, umaaktong kinikilabutan. Inirapan lang siya ni Cilla. Nag-perform na din sila Eury, Wren, Aiden, at Zy pero hindi para sa kanila ang pagkanta. "Wala yata talaga akong talent," napakamot si Zy sa ulo niya, "Hey, it's fine. Pangalawa pa lang ang nagagawa natin," comfort sa kanya ni Eury kaya abot na naman sa tenga niya ang mga ngiti niya, "Eury, meant to be talaga tayo parehas pa tayong walang talent."
"Uhh, I know my talent though," pangbabasag ni Eury kay Zy, "O ano dalawa na naman kayong natira? Sabay ba kayo o sinong mauuna?" tanong ni Aiden sa amin ni Seven. Tumayo na ako at nag-punta sa gitna, "Aba, aba, palaban na talaga!" react agad ni Zy. Napa-iling na lang ako at nag-simulang kumanta kahit walang background music. Ginawa ko ang kantang ito dati kapag tambay ako sa garden at cutting lang. Maiksi lang ang kanta na nagawa ko kaya mabilis lang din akong natapos, "Wow, even without a background music, your voice was so nice," komento ni Thai. Ngumiti lang ako ng bahagya, "I am not familiar with the song, is it new?" tanong naman ni Eury.
"Ginawa ko lang 'yon." Napa-'o' ang bibig niya dahil sa pagkamangha. Pumalakpak naman si Zy at Cilla, "Tropa ko 'to guys," pagmamalaki sa akin ni Zy, taka ko siyang tinignan, "Kailan pa ako nagkaroon ng tropa?"
"Ngayon pare, tropa mo na ako." Mga pauso talaga nito pero hindi ko na siya pinansin at natuon ang atensyon namin kay Seven na mukhang walang balak mag-perform, umiling naman siya, "Pass, you know I can't sing."
"Unfair naman no'n, kami nga din 'di magaling kumanta pero sumubok, e," reklamo ni Zy pero bored lang siya na tinignan ni Seven, "So?"
"Okay, so Cilla, Thalia and Kird got this talent. Let's proceed to our next activity," bumulong na naman sa akin si Zy, "Two points."
Madami pang activities ang ginawa namin sa isang oras na natitira. Sa instruments ay lahat kami marunong, sumunod na kategorya ay ang theater acting. Hindi na ako sumubok dahil mukhang tanga lang iyon. Si Priscilla at Wren lang ang magaling umarte. Sa arts naman ay may ginawang group chat si Wren at doon ise-send mamayang gabi ang magagawa naming painting. Sa sports activities ay bukas namin gagawin. Nang makarating sa academic activity, alam naman nila na matatalino na sila kaya sa amin sila magtutuon ng pansin.
"Let's stop here for now. Prepare for tomorrow, we will have a debate regarding on what is more important, is it the talent or hardwork. We will be divided into two groups for the debate. We should vote for two leaders," ani Wren. Nagtaas naman ng kamay si Aiden, "In terms of debating, I'm with Trey."
"Me too," nagtaas din ng kamay si Cilla at Wren para grumupo kay Seven, "So we have a groups, who's your leader and the one who's going to fight your answers tomorrow?" tanong niya sa amin. Mabilis na itinaas ni Zy ang kamay ko, "Si Kird ang leader namin!"
"Tanga ka, ayoko--"
"I agree. Kird will be our leader," dagdag pa ni Eury kaya nagtataka ko siyang tinignan bago ko sinamaan ng tingin si Zy na naka-peace sign na sa akin.
"We will take the talent and you will have the hardwork. Goodluck, no one dares to beat me until now," maangas na sambit sa akin ni Seven, nginisian ko naman siya.
"Hindi ka pa natatalo kasi ngayon mo pa lang ako makakalaban."