Alas-nuebe na ng gabi at hindi ako makatulog. Hindi ako mapakali dahil hindi mawala sa isip ko ang huling mga salita na sinambit sa akin ng director kanina. Masyadong ginugulo ng mga salitang iyon ang isip ko ngayon, lalo na't wala akong ideya kung anong mga hakbang ang gagawin niya. Pinipilit niya talaga na uminom na kami ni Zy ng produkto niya, na hanggang ngayon ay hindi ko pa din maintindihan kung bakit. Tumayo ako sa pagkakahiga ko. Napag-desisyunan ko na lumabas at magpahangin katulad ng lagi kong ginagawa noon kapag hindi ako nakakatulog. Kinuha ko ang itim na jacket at sumbrero ko pati na din ang itim na face mask bago dahan-dahang lumabas ng kwarto. Nakiramdam pa ako sa paligid at mabuti na lang ay walang mga bantay. Mukhang nakatulog ang ibang guwardiya. Hindi ko alam kung bakit

