Hindi ko na tinapos pang panoorin ang paghi-hirap nila dahil mabilis na akong lumabas ng computer room at nanakbo palabas ng secret house. Naramdaman ko namang naka-sunod sa akin sila Aiden. Hindi ko lubos maisip kung posible bang pamamaalam ang sinasabi ni Crist. Mabilis na pinindot ni Seven ang puno saka nilagay ang password. Sa pagbukas pa lang ng daan patungo sa underground ay nanakbo na kaagad ako papasok. Hindi dapat ako magsayang ng oras. Hanggang sa nakarating kami sa kwarto kung nasaan ang mga estudyante. Hindi na gumagalaw ang iba ngunit si Crist ay nanatiling umuubo at tila lumalaban pa. Napatingin siya sa amin nang maramdaman ang presensya namin saka kami tuluyang pumasok sa loob. Nilapitan ko siya saka hinawakan sa balikat. "Crist, huwag kang bibitaw. Kailangan mong lumaban,"

