Naging kulay puti ang mga mata ni Eury habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil sa sinabi niya. Binitawan niya ang kamay ko saka mabilis na umiiling. "Damn, what have I done?" takang tanong niya saka siya tumingin sa amin. Nagtatanong ang mga mata niya nang tignan niya ako. Nanatili namang nakakunot ang noo ko dahil hindi ko pa rin maintindihan ang huling sinambit niya. Mukhang wala siyang maalala sa mga sinabi niya kanina at hindi niya alam ang gagawin. "Eury, ano ang ibig mong sabihin kanina?" tanong ko. Tumingin naman siya kay Hestia nang hawakan siya nito. "Are you okay? What happened to you?" tanong rin sa kaniya ni Hestia. Umiwas siya ng tingin sa amin, "I'm sorry, I am still not able to control my potential," paumanhin niya. "Eury, ano ang

