"Ano ang ibig mong sabihin na tatay ko si Haime Suizo?" Pag-uulit ko sa tanong ko dahil hindi niya ako sinagot nung una. Napabuntong-hininga siya, "I didn't know that you are not aware about your father," sambit nito. Hinawakan ng kanyang asawa ang kamay niya saka ako nilingon, "Kird, hindi ba siya ipinakilala sa iyo ni Malieya?" "Namatay ang ama ko sa gyera dahil isa siyang sundalo. Iyon ang sinabi sa akin ni Mama noong nabubuhay pa siya. Wala siyang naipakita sa akin na itsura o litrato ng tatay ko pero naniniwala ako sa kaniya." "She told us about you and Haime. It was just a secret. Ayaw ni Haime na ipaalam sa publiko ang tungkol sa iyo dahil siya ang genius scientist noong mga panahon na 'yon kaya ayaw niya ng issue. Hindi ka gustong itago ni Malieya kaya naman nag-away sila ni Hai

