Long time no see

3041 Words

"Handa na ba ang lahat?" tanong ko. Nagsitanguan naman sila bilang sagot saka ko nilingon si Zyair at sinenyasan. Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya naman mabilis siyang gumawa ng malaking portal. Tinignan ko ang orasan ko, "Siguraduhin mong makakarating tayo sa garden ng HIU sa loob lamang ng tatlong minuto," sambit ko. "Noted." Mabilis kaming pumasok sa loob ng portal nang makagawa siya. Nag-improve na ngayon ang potensyal ni Zyair dahil hindi na kami kailangan pang gumulong sa paglalapagan namin. Tatlong minuto lamang ay nakatapak na kami sa garden ng HIU. "Nice, Zy," puri sa kaniya ni Seven. Natuwa naman siya dahil nasunod niya ang oras. "Maghiwa-hiwalay na tayo mula rito," sambit ko. Pumunta na kami sa kaniya-kaniya naming pwesto. Ako at si Seven ay papunta sa mismong gym

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD