"You're the only son of the great Haime Suizo so you must become a scientist one day. Don't you dare disappoint me, Aiden," Dad told me. "Yes, Dad. Susundin ko po ang lahat ng iuutos niyo sa akin starting today." "Just wait for my signal. Do you have friends in class one now? Remember what I told you before, dapat mga magagaling ang mga kakaibiganin mo at hindi kung sino-sino lang." Tumatango lang ako sa mga sinasabi niya. Nag-simula na kasi ang klase namin bilang freshmen at kahit hindi ko gusto na sundin ang mga utos ni Dad ay wala akong ibang choice. Si Mom naman ang nagsasabi sa akin na sundin ko na lang ang mga gusto ni Dad. Hindi ko alam kung bakit ba kailangan niyang matakot kay Dad, isa pa parang walang karapatan si Mom sa bahay na ‘to. Para siyang isang tuta lamang ni Daddy na i

