"Adrielle, goodmorning!" Ngumiti ako sa bumati sa akin. Hindi ko malaman kung sino sa kanila dahil lahat sila nakatingin sa'kin.
Walang masyadong tao ngayon dahil umaga, maya maya medyo nakakapagod na dahil tanghalian na ang oras na 'yon.
"Mukhang pagod nanaman ngayon, linggo kasi family day." Sabi ng isa kong ka-crew mate.
"Oo nga eh. Pero ayos lang 'yan, unlike sa mga malls. Mas maraming tao ro'n." Singit naman nu'ng isa.
Nag tuloy lang ako sa pag papalit ng damit ko. Kailangan kasi uniform 'yon sa isang fast food chain kung saan ako nag tatrabaho.
"Mag papa-branch daw 'yung mall na dito naka locate?" Napahinto naman ako sa pag asikaso nu'ng marinig ko silang pinag uusapan ang isang bagay.
"Ah, oo. Since kakasimula lang need nila ng mga branches." Sagot naman nu'ng isa.
"Kaya nga pupunta yata 'yung Secretary nu'ng isang may ari ng mall d'yan o hindi kaya 'yung pinaka may ari ng branch na mall d'yan sa tapat" Sabi nu'ng isang babae.
Napailing nalang ako sa pinag uusapan nila. Lumabas na'ko ng storage room kung nasa'n ang mga gamit at kung nasa'n ako nag palit ng damit. Pag labas ko marami-rami na ang kumakain sa loob at mainit na rin ang sikat ng araw. Napatingin ako sa labas kung nasa'n ang mall na sinasabi nu'ng dalawang babae na nag uusap.
Iniisip ko lang kung ga'no kalake ang pera na magagastos kung mag papa-branch ng isang mall at isang fast food chain. Gano'n ba kayaman ang mga taong 'yon?
"Adrielle, utusan lang sana kita." Napalingon naman ako sa manager nu'ng tinawag niya ang pangalan ko. "Ah-- para sa'n po?" Tanong ko naman sa kan'ya.
"Saglit lang naman ito." Sabi pa nito. Napakamot naman ako sa ulo dahil hindi ko alam ang gusto niyang ipagawa sa akin. "Sige lang po." Sagot ko nalang sa kan'ya.
"Baka pwedeng pabigay nito sa babaeng nasa may parking lot, naka tayo lang siya do'n bawal akong lumabas kailangan ng assistance dito." Sabay abot ng paper bag sa akin. "Ah, sige po." Sabi ko nalang.
"Salamat!" Pag papasalamat nito sa akin. Hindi ko na siya pinansin at tumakbo na palabas ng Comamos, pangalan ng Fast Food kung saan ako nagtatrabaho
Pag labas ko umikot ako sa likod ng building kasi nando'n ang parking lot ng mga customers para hindi rin maka harang sa entrance ng restaurant.
Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin 'yung babae na sinasabi ng manager ko.
Sumilip ako saglit sa may paper bag, pagkain lang naman ang laman no'n kaya nag tataka ako kung sino.
Habang lumilingon ako sa paligid napansin ko 'yung isang babae na nakatayo sa gilid ng puno. Mukhang siya 'yon dahil siya lang naman ang tao sa parking lot.
"Miss" tawag ko, hindi ko naman alam ang pangalan niya. Agad siyang tumingin sa'kin na parang alam niyamg darating ako.
"Uh..." Sabay kamot ko dahil hindi naman sinabi ang pangalan nu'ng babae paano ko siya mare-recognize. "Maganer Kim?" Tanong nito sa akin.
Natawa ako nang kaunti dahil akala niya ako si Manager Kim. "Ah-- hindi, hindi. Pinaaabot niya lang." Natatawa kong sabi sabay abot ng paper bag.
"Ah, alam ko. Sinabi ko lang ang name niya para malaman mo na ako 'yung tinutukoy niya." Natatawa niya ring sabi.
"Paki sabi pala, salamat. Ate ko 'yung manager d'yan." Dagdag pa nito. Napatango naman ako dahil sa kaunting kaalaman na sinabi niya sa akin. "Makakarating sa kan'ya." Sabi ko lang.
Tumango naman ito sa akin at ngumiti. "Una na ho ako." Sabi ko sabay alis sa harapan niya.
Umalis na 'ko sa harapan niya dahil marami pang aasikasuhin sa loob, medyo dumarami na rin ang mga customer kaya kailangan mag madali.
Pag pasok ko ng entrance may mga nakasabay ako na nag lalakihan 'yung mga katawan at nakasuot ng polo na itim. Dalawa lang sila pero halos masakop nila ang entrance.
"Magandang umaga po!" Bati ko sa kanila, bilang isang trabahador kailangan batiin ang mga customers.
Hinanap agad ng mga mata ko 'yung Manager para masabi na naibigay ko na 'yung paper bag sa kapatid niyang babae. "Ma'am!" Tawag ko sa kan'ya.
"Oh, naibigay mo na?" Tanong nito sa akin tumango lang ako bilang sagot sa kan'ya. "Salamat! By the way, may nag papalinis yata sa table na 'yon." Sabay turo sa may pinaka sulok na table malapit sa CR.
"Noted po." Sagot ko naman sabay mabilis na pumunta sa area na 'yon.
"Good morning po." Bati ko sa lalaking nakaupo sa lilinisan kong table. Nakasumbrelong itim kaya hindi ko mahagip ang mukha niya.
Agad ko namang nilinisan ang lamesa dahil puro kalat na tissue at mga baso ang nando'n.
Nilagay ko na lahat sa isang trashcan na dala ko ang mga basura nang bigla akong hawakan sa braso nu'ng lalaking nakaupo.
Nangunot ang noo ko sa ginawa niya kaya naman agad ko siyang binalikan. "May kailangan po ba kayo?" Tanong ko sa kan'ya. Binitawan niya ang kamay ko at parang may kinukuha siya sa bulsa niya.
"Here." Mas lalo akong nag taka sa ginawa niya dahil inabutan niya lang naman ako ng dalawang libo. Hindi ako sumagot dahil sa pag tataka. "Watch those people for me until I leave." Dugtong nito, pero wala kong naintindihan o sadyang hindi ko lang tinanggap ang mga sinabi niya.
"Po?" Tanong ko, nakakaintindi ako ng ingles pero sa sinabi niya, hindi ko siya naintindihan. Tumingin siya sa akin ng masama. "I said watch them-- ganito nalang, Harangan mo sila with all your hardship hanggang sa maka alis ako to the point na hindi nila ako makikita hanggang sa pag-labas." Paliwanag nito sa akin.
"Bakit ko naman gagawin 'yon?" Tanong ko sa kan'ya. "Kung ayaw mong mag kagulo rito sa loob ng restaurant, gagawin mo ang sinasabi ko. You will do that not for free that's why I am giving you these money."
"Kasamahan mo 'yung mga 'yon?" Sabay turo ko sa dalawang lalake na kaninang humarang sa entrance. "Shh! Ibaba mo 'yang kamay mo. Tsaka I'm customer right? You'll do anything."
Napairap nalang ako sa sinabi niya at pumunta kung saan nakaupo ang dalawang lalake.
"Good morning mga Sir!" Bati ko sa kanila habang nag ma-mop sa harapan nila, para hindi nila makita ang paligid.
Lumingon ako sa likod ko at nakikita kong nag lalakad na palabas 'yung lalake. "Ano pong order n'yo? Marami po kaming available na pagkain ngayon bibigyan ko lang kayo ng idea kung ano ang worth it na i-order n'yo." Panggugulo ko sa kanila.
Alam kong hindi nakatuon ang atensyon nila sa akin dahil sa likod ko sila tumitingin pero ako naman ay lumilipat sa pwesto kung saan sila naka tingin kaya hindi sila maka focus masyado.
"Ito po 'yung mga brochure pwede kayong mag branch sa ibang lugar." Sabi ko sabay abot ng brochure. "Ah, salamat customer lang kami." Naiinis na sabi nu'ng isang lalake.
"Napansin ko lang na wala pa po kayong order, ito po 'yung best seller namin available po siya anytime. Ito naman po 'yung mga menu for breakfast." Dagdag ko pa. Napansin ko sa gilid ng mga mata ko na nakalabas na 'yung lalake kaya bumuntong hininga ako sa harap nila.
"Ayaw n'yo po? pwede namang water." Huling suhestiyon ko.
"PWEDE BANG MANAHIMIK KA?!" Napalitan ng seryosong mukha ang pagiging approachable ko. "Anong nangyayare rito?" Tanong ni Manager Kim. Lahat ng mga customer ay naka tingin na sa amin.
Napangiti ako ng kaunti dahil mas lalong nag tagal ang oras ng mga 'to na manatili rito para hindi nila mahabol agad 'yung isang lalake.
"Sorry Ma'am, nag approach lang ako." Sabay kamot ko sa batok. Hindi parin sila naka focus sa amin at nakikita kong hinahanap nila 'yung lalake.
"Nakita mo ba?"
"Mukhang natakasan tayo." Rinig kong bulungan nila.
"Pasensiya na kayo Sir, kung ano man nagawa ng worker nag mamagandang loob lang ho siya." Pag hingi ng tawad nu'ng Manager.
Tumingin sila ng masama sa akin bago sila umalis sa harapan namin. Tiningnan ko sila palabas hanggang sa matuon ang atensyon ko sa Manager namin na nakatingin ng masama sa akin. Pahamak.
"Ano ba ang nangyare kanila?" Tanong ni Manager Kim.
Nasa may storage na kami kung saan nakatambak ang mga gamit pang luto, sinesermonan niya na ako tungkol sa nangyare kanina at kaming dalawa lang ang narito.
"Gusto ko lang naman na makipag communicate since mukhang seryoso sila." Natawa ako sa isipan ko dahil sa rason kong wala namang kabuluhan. "Buti nalang wala na silang ginawang iba, ang lalaki pa ng katawan nu'ng mga 'yon baka mamaya mapag buhatan ka ng kamay.
Napayuko nalang ako sa sermon niya. "Sorry po, hindi na mauulit." Paghingi ko ng tawad. "Huli na mangyayare 'to, maliwanag?" Napatango nalang ako sa sinabi niya.
"Okay, back to work." Mahinahon nitong sabi.
Agad naman akong lumabas ng storage room para ituloy na ang pagtatrabaho ko.
***
Nag pupunas lang ako ng mesa nang bigla akong napaisip tungkol sa nangyare kaninang umaga. Nagtaka ako dahil sa mga kilos nila na kala mo ay mga napapanood lang sa Tv.
Kinuha ko 'yung pera na binigay nu'ng lalake kanina sa akin. At naisip na pambili ito ng gamot ni Mama at pang discharge din sa kan'ya sa hospital.
Tumingin ako sa cellphone kong 6 years ko nang ginagamit. Tiningnan ko lang ang oras dahil sa mga oras na 'to malapit na 'kong mag off duty at babalik naman ako sa convenience store kung saan ako nag tatrabaho.
Pero uuwi muna ako sa bahay para kumuha ng damit ni Mama at makapag luto muna ng ulam para sa kan'ya, kanina pa do'n si Aling Delia dahil alam kong siya lang ang magtatangka na mag bantay kay Mama.
Meron pang 4 hours bago ako ulit mag 12 hours shift sa convenience store kaya may oras pa ako para makapag handa.
"Aalis na po ako Ma'am." Paalam ko sa Manager namin. "Oh, sige ingat ka ha?" Ngumiti lang ako sa kan'ya bago lumabas ng fast food.
"Kuya ang tangkad mo, saang University ka nag aaral? College stud ka?" Ngumiti ako sa babaeng huminto sa harap ko para lang mag tanong. "Sa Brent International School." Pag sisinungaling ko sa kan'ya sabay lakad ng diretso. "Woah..." Rinig kong sabi nu'ng batang babae.
Napabuntong hininga ako sa sarili ko dahil hanggang pangarap ko lang na makapasok sa gano'ng eskuwelahan at kahit kailan hindi 'yon mangyayare.
Pag kauwi ko sa bahay ay inilapag ko agad ang bag ko sa maliit na upuan. Yumuyuko pa ako dahil hindi sapat ang tangkad ko sa bahay.
Naligo ako pag kauwi ko par a kahit papaano mawala ang amoy usok at pawis sa katawan ko para na rin diretso na ako sa pag pasok mamata kapag nahatid ko na ang pagkain kay Mama.
"Tao po! May tao ba rito?!" Binilisan ko ang pag punas ko ng katawan para makausap agad ang tao sa labas. Sinarado ko kasi ang pinto.
"Ito na po!" Sigaw ko pero nu'ng makita ko sa bintana kung sino ang kumakatok ay bigla akong nawalan ng gana.
"Bakit po?" Tanong ko sa kan'ya pag bukas ko ng pinto.
"Anong bakit po? Anong petsa na? Lagpas na kayo sa due date kailan n'yo babayaran ang renta n'yo? May mga gustong kumuha ng bahay na mas kaya mag bayad kesa sain'yo!" Sigaw nito sa akin.
"Manong, pasensiya na po pero baka po maurong kahit isang linggo lang. Nasa ospital po si Mama ngayon kaya mas kailangan niya ng pera." Pagmamakaawa ko sa kan'ya.
"Aysos! Napakatagal na niyan nauurong nang nauurong! Kung hindi niyo kaya mag bayad lumayas kayo mag hanap kayo ng ibang matitirhan!" Sigaw nitong muli.
"Kahit ngayong linggo lang po pag bigyan n'yo na, nangangailangan din po kasi si Mama ng pera pang discharge sa ospital."
"Wala akong pakialam sa Nanay mong baliw!" Namintig ang tenga ko sa huling sinabi ni Manong na nag palabas ng galit ko.
"Wag na 'wag n'yo hong sasabihan ng baliw ang Nanay ko." Nanlilisik kong sabi. "Totoo naman kaya kayo napapariwara dahil sa kakitidan ng utak niyo! Ni pag bayad lang hindi n'yo pa magawa! Kaya ang Ama mo mas piniling mag pakamatay para maiwasan ang utang!" Sigaw nito.
Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil sa galit kaya nasapak ko sa mukha ng wala sa oras si Manong dahil sa mga pinag sasabi niya.
"Anong sinabi mo? Ulitin mo 'yung sinabi mo."Malamig kong tanong sabay kwelyo sa kan'ya "Ano? Papatayin mo 'ko? Tatawag ako ng pulis!"
"Wala akong pakialam kahit tumawag ka ng pulis. Ang mahalaga, mawala ka rito sa mundo." Pananakot ko sa kan'ya. Hindi napigilan ng sarili ko na sakalin siya sa leeg dahil sa sobrang galit "Tulong! Tulong! Bitiwan mo 'ko-- aghkk!" Sigaw nito sa buong eskenita.
"Adrielle! Anong ginagawa mo?! Adrielle!" Napahinto ako sa pag sakal sa matanda nang biglang may humatak sa braso ko patalikod. "Bitiwan n'yo ko!" Sabay bawi ko sa braso ko.
"Adrielle ako ito!" Muling hatak nito sa braso ko. "Tingin mo matutuwa si Louisa sa ginagawa mo? Tingin mo matutuwa ang Mama mo?" Napahinto ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang pangalan ng Mama ko.
Lumingon ako sa likod nang makita ko si Aling Delia na hawak ang braso ko. "Adrielle, tama na." Humarap ako ulit kay Manong at nagulat ako nang bigla niya akong sampalin.
"Lumayas ka ngayon din! At ayoko na makita ang pagmumukha niyo mag ina! Layas!" Sigaw nito. Pumasok ito sa loob ng bahay at pinag babato ang mga gamit namin sa labas.
Pumasok din ako sa loob para pigilan ang ginagawa niya. "Kusa kaming aalis." Malamig kong sabi. "Mag hintay ka ng isang gabi, aalis kami." Nangisi ito sa akin at ngumiti "Isang gabi lang." Sabi nito sabay labas ng bahay.
Kaming dalawa nalang ni Aling Delia ang naiwan sa loob ng bahay na makalat. Tumingin ako sa kan'ya at ngumiti na parang walang nangyare.
"Kamusta na po si Mama?" Tanong ko kay Aling Delia.
"Maupo ka muna." Sabi nito sabay abot ng upuan sa akin. Dahan dahan naman akong naupo sa upuan na binigay niya sa akin.
At halos madurog ang puso ko nang dahan dahan niya rin akong yakapin. "Makakaya mo rin ang lahat, makakawala ka rin sa pinag dadaanan mo."
Pinilit kong pigilin ang pag tulo ng luha ko pero hindi ko nagawa. Mistulang bata ako sa mga braso ni Aling Delia dahil sa lakas ng hagulgol ko sa lungkot.
"Umiyak ka lang, 'wag mong pigilan." Sabi pa nito na mas lalong nag pakawala sa lahat ng nararamdaman kong hinanakit ngayon.
Ilang oras din sumapit ang katahimikan at ngayon tapos na binigyan ako ni Aling Delia ng tubig para mahimasmasan ako ng kaunti.
"Ayos lang ang Mama mo, iniwan ko siyang tulog. Nag paalam naman ako sa kan'ya bago umalis." Paliwanag nito sa akin.
"Salamat po, ang dami n'yo pong naitulong sa amin." Nahihiya kong sabi sa kan'ya. Umiling siya at ngumiti sa akin. "Wag ka lang mahiya, palagi kaming andito para sain'yo." Nakangiting sabi nito sa akin.
Nawala naman ang ngiti ko dahil siya lang naman ang handang tumulong sa amin bukod sa pamilya niya. "Saan na ang punta mo ngayon?" Tanong naman nito sa akin.
"Hindi na po muna ako papasok sa trabaho, mag papaalam lang ako saglit tapos mag sisimula na po akong mag hanap ng matitirahan." Sagot ko naman agad sa tanong niya.
"Pasensiya kana kung hindi ko kayo matutulungan pag dating sa gan'yang bagay." Umiling ako sa kan'ya. "Marami na po kayong naitulong. "
Natapos ang pag uusap namin ni Aling Delia, umuwi muna siya sa kanila at ako naman nag asikaso para mapuntahan ko na si Mama at para na rin makapag paalam kay Sir Roel na mag leave muna ng isang shift.
Habang nag lalakad ako ay napatingin ako sa langit at bumuntong hininga. Iniisip kung kailan kami makaka alis sa hirap na dinaranas namin ngayon ni Mama.