WARNING: Reader discretion is strongly advised. If you are easily disturbed by explicit or vulgar words and violent content or have sensitivities related to the depicted themes, it is recommended that you proceed with caution or avoid this material altogether. Aria Nakabalik ako sa ospital, alas dos na ng madaling araw. Naoperahan na daw si mama sabi ni Jianna. Parang gusto kong bumalik sa mansyon ni Vaughn para punitin sa harapan niya ang papel na dala ko! Kayang-kaya niya naman pala na pabilisin ang proseso pero kinailangan niya pa talaga na pahirapan ako! Ang sabi ni Jianna, pagka-alis ko kanina sa ospital, dinala rin agad si mama sa operating room. Natatawa na lang ako dahil sa pagkainis kay Vaughn. “Kamusta ang pakiramdam mo, ma?” Mahinahon kong tanong kay mama, ilang minuto ng mag

