Aria Kinabahan ako sa sinabi niya kaya ilang segundo akong hindi gumalaw pero ng makita ko siyang bumangon, mas lalo akong hindi nakagalaw. Tiningnan niya ako habang nakataas ang isa niyang kilay na kasing-kapal na ng balahibo niya ang bawat hibla ng mga ito. “M-maghuhubad na ako–” “Let me,” putol niya bago umusod papunta sa paanan ng katre. Pinagmamasdan ko siya habang inuusod ang sarili papunta sa edge ng kama. Ngayon na naka- t-shirt lang siya, hindi ko pwedeng yabangin ang aking sarili. Sobrang angat na angat ang dating niya kumpara sa ordinaryo niyang awra kapag nasa opisina. Nakagat ko ang ibabang labi ng sumagi sa tuhod ko ang isa niyang tuhod. Pinagitnaan niya ako at nakulong ako sa malalaki niyang hita. Naramdaman ko ang lambot ng tela sa suot niyang pajama ng hilahin niya a

