Aria Hanggang sa matapos ang trabaho ko, okupado pa rin ng isipan ko ang mga sinabi sa akin kanina ni Vaughn. Naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang galit niya sa akin. Baluarte niya. Hindi ko siya kilala at tanging kumpanya niya lang ang naging daan kung bakit ko siya nakilala ng personal. Kung hindi pa ako nagtrabaho sa kanya ay hindi ko pa siya lubos na makikilala. “Pauwi ka na?” Hindi ko naituloy ang pagtawid ng mabosesan ko si Rowan. Sakay siya ng kanyang kotse at klaseng napadaan lang dito sa tapat ng DSC. “Oo…ikaw pala ‘yan.” Nahihiya kong tugon. Naalala ko lang ang nangyari nung isang araw. Nakakahiya sa kanya. Pero mas lalo pala akong nahiya ng sabayan ko ang kanyang mga sinabi. Dahil sa nangyari, nakita niya tuloy ang tunay na ugali ni Vaughn.

