KABANATA 38 Tatlong araw na ang lumipas simula noong umalis siya. Tatlong araw narin akong hindi kinikibo ni William. Simpleng tango at iling lang ang sagot niya sa mga tanong at paanyaya ko. Naging matamlay siya at madalas na nagkukulong sa kwarto. Ang tanging ipinagpasalamat ko ay ang pagdating ni Marikit kinabukasan. Aniya ay itinalaga siya ni Rake rito. Hindi na ako umalma pa sapagkat kailangan ko nga ng makakasama lalo pa't labis na nagdadamdam ang anak at masama rin ang pakiramdam ko. "Okay kalang po ba, maam?" Si Marikit habang nag-aalalang hinahagod ang aking likod. Sapo ko ang bibig at walang tigil na dumuduwal. Pakiramdam ko ay nailuwa ko na pati ang mga lamang loob. Kumapit ako sa sink at madiing pumikit. "Magpatingin po kaya kayo sa doktor, maam? Kahapon pa po iyang pag

