KABANATA 36 "Nakuha ko ang address mo kay manay Lourdes. I hope you dont mind." Si Lorenzo nang mapagbuksan ko ng pinto. Bumaba ang tingin ko sa dala niyang mga bag. "...dinala ko narin ang ilan pang gamit ni William." I nodded at nilakihan ang bukas ng pinto. "Pasok ka," Sumunod siya sakin sa loob. "Ilapag mo nalang diyan." Turo ko sa parihabang couch. He put the bags there. "Nag breakfast kana ba? Nagluto ako ng pagkain." Agad ang ginawa niyang pag-iling. Ibinagsak niya ang sarili sa couch at kinomportable ang sarili roon. "Actually I am here to talk about Rake." I swallowed tightly. Tiningnan ko muna ang hamba ng pintuan sa kusina bago umupo kaharap niya. William's eating his breakfast. Iniwan ko ito roon para pagbuksan ang maagang bisita. "What about him?" Inilapag ko sa kan

