KABANATA 20 "Ibabalik ko sa iyo ang downpayment na binayaran mo. I'm sorry, Meg." Pinal na desisyon ni Guardia, ang may-ari ng apartment. Narito ako ngayon para sana unti-unting ibalik ang mga gamit ko pero sinalubong ako nito ng isang hindi magandang balita. Ipinagbili niya sa iba ang apartment. "Maayos ang kasunduan natin, Guardia. Uunti-untiin ko iyong pagbabayad. Bakit mo naman ipinagbili sa iba?" Inis kong naisuklay ang mga daliri sa buhok. "Wala akong magawa, Meg. Kaya niyang magbayad ng buo at itinaas pa ang pagbili nito. I need money." Pangangatwiran nito. Inis kong tiningnan ang dalang isang maleta ng damit. "Kanino mo ito ipinagbili? Sa Romualdez ba?" Puno iyon ng kasiguraduhan. Naglikot ang mga mata niya, nagpapatunay sa aking hinala. "Babayaran ko rin naman ang mga nagasto

