Pumunta ako ng kitchen at nag isip kung ano bang pwede kong gawin para makabawi kay Ms. Wilson. Ang saklap dahil di ako marunong magluto, I really suck at this. Baka makalason pa ko pag nagkataon. Tumingin tingin ako sa fridge at nakakita ng box of teabags. Pwede na siguro to no? "Ms. Wilson?" Katok ko sa pinto ng kwarto niya pero walang sumagot. "Okay lang po ba kayo dyan?" Wala pa ring sumagot kaya binuksan ko na ang pinto, sumilip lang naman ako at nakita ko siyang nakahiga na. Pagod nga talaga siya. Dahan dahan akong naglakad papasok sa loob para ilapag sa bedside table itong kopita ng tsaa. Nagulat pa ko ng bigla siyang umikot at tumagilid paharap sakin, akala ko kasi nagising na siya. Malakas ang aircon sa kwarto tapos nakashorts lang siya at sando kaya naisip kong kumutan siya.

