"Stacia.." I can't see anything, can't move either. Nasaan ka na? I tried to moved my hand but it's too heavy, so I moved my finger an inch instead and it did work. Basic. When on the state of sleep paralysis hindi mo dapat biglain ang katawan mo sa paggalaw. Daliri muna sa kamay at sa paa, and at least try to breathe normally at 'wag mag-panic. Madali nga sabihin pero mahirap gawin. Nakasanayan ko na lang talaga. "Sta... cia." I need some water. I'm tasting a horrible medicine on my tongue. Lumunok ako para mawala ang mapait na lasa na 'yon sa dila ko. Pagtagal, naramdaman ko na lang ang pagluwag ng dibdib ko na para bang nawala na 'yong nakadagan sa'kin. Nakakahinga na ko ng maayos. Napasinghap ako nang tuluyan akong magkaroon ng malay, para akong patay na nabuhay ulit. Napabalik

