"Room service, ma'am." Bungad ng lalaking hotel personnel. Napatingin ako sa cart niya— for sure pagkain ang mga yun pero ang dami naman yata at well, mamahalin. I can tell sa amoy pa lang kahit may cover siya. "Uh, hindi po kami tumawag para sa room service. Mali po yata kayo ng room na pinuntahan." Sagot ko dito. Tumingin naman siya sa maliit na notepad na nakasukbit sa kanyang suit at sinuri ang nakasulat dun. "Room 365," bulong niya sabay tingin namin sa room number sa pinto. Tama naman siya. "Tumawag po kayo for room service at exactly 11:30 pm for a dinner to be delivered at this time." "Pero tulog na lahat ng kasama ko dito, kuya." Walang kagatol gatol kong sagot. "Sinong o-order niyan kung tutulugan lang din nila." "Anastasia Wilson? Siya po yung tumawag kanina." "Si Sta

