“Bumalik ka na, bumalik ka na, bumalik ka na.. Ang hirap ng walang maalala alam mo ba 'yon?” “Kumalma ka, please. Hindi nakakatulong sa'yo kung pipilitin mo mag isip.” “Eh ano 'yong pinag uusapan nila Zoe at Anastasia kagabi? Hindi ko maintindihan.” “Riley?” Katok ni Anastasia sa pinto ng banyo. “You there? Who are you talking to?” “Ah, wala! Naghihilamos lang. Lalabas na rin ako.” Nagmamadali akong tumayo mula sa pagkakaupo sa toilet seat at naghilamos. Pagbukas ko ng pinto ay nando'n si Anastasia, nakasandal sa pader, nakahalukipkip ang mga braso habang nakapikit. Sabog pa ang ginuntuan niyang buhok at nakabukas din ang ilang butones ng pantulog. “Kung inaantok ka pa hindi mo naman kailangang bumangon eh, nagbanyo lang ako.” Nagmulat siya at kinuskos ang mga namumungay na mata. “I

