NAPANGITI si Olivia ng makatanggap siya ng tawag mula kay Dimitri, papunta siya ngayon ng bayan upang ipa-vaccine si Viah. Maging si Mama Amanda ay tuwang-tuwa rin kay Viah pero wala itong kaalam-alam kung sino ang totoong nagbigay sa kanya ng aso. "Sana sinabi mo sa akin na noon mo pa gustong magkaaso. Sana ay matagal na kitang binigyan," wika pa sa kanya ni Dimitri sa kabilang linya. Naka-video call silang dalawa kung kaya kitang-kita nito ang kanyang alagang aso na kasama niya ngayon sa kanyang kotse. "I wasn't planning on buying a dog. It wasn't in my budget, and honestly. I wasn't ready for the responsibility pero makulit ang kaibigan ko---she was in a desperate situation and needed money urgently," sagot niyang hindi makatingin kay Dimitri lalo na at nagsisinungaling siya. "Anong

