Napaangat sa upuan si Olivia dahil sa sinabi ng kanyang ama. Hindi siya makapaniwala sa mahalagang sasabihin nito sa kanila. Napatitig na lamang siya kay Dimitri l, maging ito ay nagulat din. "We know this is sudden and shocking, but we're older and we want security for our family. We want to see our grandchildren, and we don't see anyone else who could be Dimitri's wife except you, Olivia. You know we want you to be our daughter," dagdag pang wika ni Papa. "Olivia, mahal ka namin at gusto namin na nandito ka lang sa aming tabi. Alam kong mabuti kang tao at nababagay ka kay Dimitri. Alam namin ng Mama ninyo na hindi masasayang ang lahat ng aming pinaghirapan dahil kayong dalawa ang magpapatuloy non." "Tama ang Papa ninyo... Kayong dalawa lamang ang magmamana ng hacienda at wala ng iba,"

