NATIGILAN si Amanda sa biglang pagsulpot ni Ariel. Akala niya'y lumabas ito kaya pinapunta niya sa bahay si Bianca. "Itinuloy mo pa rin ang plano mong sirain sina Dave at Olivia? Hindi ba binalaan na kita na tumigil ka na?!" galit na sigaw ni Ariel kay Amanda, kahit nasa harapan nila si Bianca. "Iwan mo na muna kami, Bianca. Mag-uusap lang kaming mag-asawa," wika niya sa babae. Pumasok si Bianca sa loob ng mansion. Sanay naman na si Bianca sa kanilang bahay kaya hindi na niya ito kailangang bantayan pa. Binalingan niya si Ariel na galit na galit pa rin. "Alam mong hindi ako titigil, hangga't hindi nakukuha ang gusto ko. Ariel, sana alam mo 'yan. Kilala mo ako." "Ano ba talaga ang gusto mong mangyari? Ang tuluyang masira ang pamilya natin? Ang magkawatak-watak na lang tayong lahat? Napa

