MASAKIT ang ulo at mabigat ang katawan nang magising si Olivia. Madilim ang buong kwarto at hindi rin bukas ang lampside sa side table niya. Natigilan siya nang makapa niyang wala siya suot na damit. Ang masakit pa ay may kamay na nakapulupot sa kanyang hubad na katawan. Bigla niyang naalala ang nangyari kagabi. Hindi niya pwedeng makalimutan iyon, akala niya nga ay panaginip lamang ang lahat pero hindi dahil may katabi siyang lalaki sa kama. Totoong isinuko niya na ang bataan. Mabilis na binuksan niya ang lampshade at nakita niya sa kanyang tabi ang isang lalaking nakadapa sa kama habang ang kamay ay nasa tiyan niya. Napatingin siya sa orasan na kasabit sa dingding. Alas singko pa lamang ng umaga. Kaya pala madilim pa rin sa labas. "Dimitri," yugyog niya sa lalaking katabi. Hindi niya m

