MAAGA pa nagising si Olivia upang maabutan niya ang Mama Amanda. Gusto niya lang sana itong makausap tungkol sa naging pag-uusap nila ni Dave. Sa garden niya ito naabutan at tulad ng nakagawian nito at abala ito sa mga orchid nito. "Good morning," bati niya sa ina. "Good morning. Kumain ka na?" tanong sa kanya ng ina. Abala pa rin ito sa pagtatanggal ng tuyong dahon. "Mamaya na po. Si Papa? Hindi ko po kasi siya nakita kahapon." "Nasa Maynila. Kailangan kasi ni Dimitri ng kasama para humarap sa mga kliyente natin. May nililigawan daw kasi silang kliyente." "Ah," sagot niyang tumango-tango. "Maghapon ka daw sa hacienda?" tanong sa kanya ng ina. "Opo, nag-ikot ikot lang po ako. Namiss ko pong gawin yun lalo na nang mag-aral ako dahil nawalan ako ng panahon na mabisita man lang ang

