UUWI na sana si Olivia pero pinigilan siya ni Dave. "Dito ka na kumain," wika pa ng lalaki sa kanya kung kaya napatingin siya rito. "Baka hinahanap ako sa bahay," sagot niya. "You can text them, sabihin mo na dito ka kakain dahil nakita mo ako," utos pa nito sa kanya. Seryoso na naman ang mukha ni Dave. Pagkatapos ng kanilang pinagsaluhan ay parang hindi na naman siya nito kilala. Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. Nagulat pa siya nang inabot ni Dave ang cellphone nito sa kanya. "Gamiti mo ito kung wala kang load." Napatingin siya sa lalaki. "May load ako. Iniisip ko lang kasi na baka hindi maniwala si Mama na magkasama tayo dahil alam niyang hindi tayo magkasundo di ba?" "Wala naman siyang choice kundi ang maniwala," sagot pa sa kanya ni Dave. Wala itong suot na tshirt at tang

