Nasa restobar silang dalawa ni Evonne nang mga oras na iyon. Pinag-uusapan ang mga bagay na nangyari sa kanyang bakasyon. Namilit kasi ang kaibigan na makipagkita upang ikwento nya rito ang mga ginawa nya sa pamamasyal na hindi ito kasama. Iyon lang kasi ang pagkakataon na namasyal siya na mag-isa. Walang paliguy-ligoy na ikinuwento ni Angie sa kaibigan ang lahat nang masasayang naranasan nya sa isang linggong bakasyon. "Nakakainis ka talaga sana isinama mo rin ako." Nakasimangot nitong wika. "Aba, kung hindi ka lang busy jan sa bagong career mo." Wala itong nagawa kundi ang mapabuntong-hininga na lamang. Inaya nya kasi ito subalit hindi ito sumama dahil nga abala ito sa bago nitong trabaho. "So ano pa ang nangyari, did you met someone? Sure ako marami ang nabighani sayo." Nakangiti n

