Napabalikwas ng bangon si Angela. Mag-aalas siyete na ng umaga. Napakaliwanag na ng buong paligid ng kanyang kwarto. Kailangan na niyang mag-asikaso at mag-ayos ng sarili. Maya-mayang 10 O'clock kasi ay darating si Kyle. Matapos manggaling sa bathroom ay lumabas na siya. Bumungad sa kanya ang katulong at sinabi nitong nasa balkonahe ang Mommy niya. Sinabi rin nito na umalis din si Alvin para mag-golf. It's Sunday, iyon ang araw ng usapan nila ni Kyle na bibisita ito sa bahay upang pormal na magpakilala sa ina. Wala namang lakad ang Mommy niya. Isang eksaktong araw para sa pag-amin nilang dalawa ng kanilang relationship sa kanyang ina. Pumayag man o sa hindi ang ina ay susubukan parin nila. Malay niya baka magustuhan pa ng Mommy niya si Kyle kapag nakita ang sincerity nito. Natanaw ni

