Nasa loob ng opisina si Primo. Nakatayo siya sa harapan ng lamesa ng kanyang boss na paminta na hindi na lamang niya binibigyang-pansin ang malagkit na pagtingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na kursunada siya nito dahil na rin sa gwapo at makisig siya. “Ilang araw ka ulit mawawala?” tanong ng boss ni Primo na nakadekwatro sa pag-upo sa inuupuan nitong swivel chair. Ilang sandali pa ay tumayo ito mula sa inuupuan. Soundproof ang opisina nito kaya naman hindi naririnig ang malakas na ingay ng tugtugin mula sa labas. Ngumiti si Primo. “Tatlong araw lang, Boss. Kaya sana payagan niyo ako kasi kailangan ko lang talagang umuwi at makita ang nanay ko,” pakiusap niya pa habang nakatingin sa kanyang boss. Tumango-tango ang boss ni Primo habang pinag-iisipan

