Romary Napabalikwas ako ng bangon nang naalimpungatan ako. Agad din naman akong napadaing ng maramdaman ang sakit ng aking leeg dahil siguro sa pangangalay. Nanatili kasi ako sa posisyon ko na nakasandal lang sa upuan mula kagabi pa. Sinipat ko ang digital clock at ng makita ko na halos alas otso na pala ng umaga ay aligaga akong bumangon. Sa pagmamadali ko nga ay tumama pa sa center table ang aking lulod. Super sakit! " s**t! What a morning Em-Em!" Paanas nasabi ko habang pakaang-kaang lumakad papunta sa kwarto ng pasyente ko. Noong nasa tapat na ako ng pintuan ay walang hesitasyon na binuksan ko ang agad ang pinto. Dama ko na ngayon ang lamig ng silid na ibig sabihin lang ay na gamit ang aircon. Mabilis na hinanap ng aking mata ang lugar kung nasaan ang kama at ang taong dapat ay n

