Grabe naman isang oras pa lang mag mula ng naghiwalay kami ng aking anak. Ngunit tila ba mababaliw ako sa lungkot na biglang sumalakay sa akin dahil sa pagkakahiwalay namin ng aking baby. Naiiyak ako na parang kung anu-anong mga eksena na lang ang mga pumapasok ng bigla sa utak ko. Wheng and I agree na pwede akong bumisita sa kanila para makasama ko ang aking anak. And so far naman daw ay hindi na gumagawi si Darius sa kanila nitong mga nagdaan na buwan dahil busy sa paglilinis. At tsaka sa entrada pa lang naman ay may mga look out na para ma inform kung darating ang lalaki. Hindi ko ata talaga makakayanan na malayo sa anak ko ng matagal paring hindi ako mapapakali o mapapanatag na hindi siya kapaling. Hanggang namalayan ko na lang na nagmamaneho ako papunta kina Isko na bahay. Aamin

