Romary Namagitan ang mahabang katahimikan sa amin sa loob ng tambayan namin na pag-aari ni aling Tonyang. Nakita ko na ngumuso lang si Sandra dahil sa sinabi ni Kim. Samantalang ang huli naman ay kitang kita ko na guilty ang itsura dahil sa nasabi kay Sandra. Ay sus parang mga bata din talaga ang mga ito. Kagandang mga babae pero isip bata. Pustahan maya-maya bati na mga ito. " Sorry na! Wag ka nang magalit, uwu, uwu!" Unang basag ni Sandra, hindi naman ito si Sandra kung hindi mala out of this world ang atake. " Sorry din! Kasi ikaw napaka ano mo kasi, este yang bibig mo grabihan na Sandra. Okay lang kung adults lahat pero pag may bata awat naman. " Tila na nenermon ngunit marahan naman na pagkakasabi ni Kim. " Oh siya awat na kayo! Hug na mga muret para tapos na at balik na sa

