“A, SIR pasensiya na po pero... bawal po kayong pumasok—” “I dont care. I need to talk that old man.” Nanggagalaiting saad niya sa guwardiya nang pagkababa pa lamang niya sa sasakyan niya ay bigla siya nitong hinarang sa main entrance ng building ni Daniel. Tinabig niya ito ng malakas at nagmamadaling tinungo ang elevator. Pinagtitinginan pa siya ng mga empleyado ng kaniyang Papa dahil sa ginawa niyang eskandalo roon. Kung puwede niya nga lang liparin agad patungo sa opisina ng matandang Daniel ay ginawa na niya para lang agad na makompronta ito. Pagbukas pa lang ng pinto ng elevator ay agad din siyang lumabas at binaybay ang may kahabaang hall way papunta sa opisina ng kaniyang Papa. “Mr. Buenavista?” gulat na saad ng secretary ni Daniel. Agad din naman itong napatayo sa kinauupuan n

