“HEY! Why are you crying Debbie?” nag-aalalang tanong sa ’kin ni Markus habang inaalalayan ako nitong makalabas ng mall. Hindi ako makapagsalita dahil sa paninikip ng dibdib ko. “Shhh, shhh! Enough crying, Debbie.” Pag-aalo pa nito sa ’kin nang makarating kami sa parking lot. Wala akong ibang magawa kun’di ang umiyak sa dibdib ni Markus para ilabas ang bigat at sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon. Hindi ko pa rin lubos maisip at matanggap na dadating ako sa puntong ito. Ang buong akala ko noon, oras na maibigay ko kay Cross ang lahat ay hindi niya na ako magagawang saktan at lokohin. Pero mali pala ako! Mali na nagtiwala ako sa pagmamahal ko para sa kaniya. Dapat pala hindi ako nagpadalus-dalos sa disesyon ko noon. Sana pala hindi agad ako nagpadala sa init ng katawan ko para pagdat

