"Tara, hatid na kita," sambit ko kay Jude makalipas ng ilang sandaling katahimikan. Malalim na ang gabi at batid kong pagod na rin siya sa lahat ng nangayri ngayong araw. Mapungay na ang mga mata niya, at kung minsan ay pumipikit na ang mga ito. Mukhang inaantok na siya at sinusubukan lamang niya itong labanan. "Huwag na," tanggi niya. "Magta-taxi na lang ako. Ikaw, umuwi ka na para makapagpahinga ka na…" "Ayos lang naman ako," ngiti ko. "Tara na… hatid na kita." "Pero—" "I thought were friends?" I gave him an assuring smile. "Oo nga, kaya lang—" "Then, let’s go…" tumayo na ko at dumiretso na sa kotse ko. Tinawag pa niya ang pangalan ko ngunit hindi ko na siya nilingon. Naramdman ko na lang ang pagsunod niya sa ‘kin hanggang sa pumasok na rin siya sa sasakyan ko. I secretly smiled as

