MAAGA akong pumasok sa NOHS. Hindi ko na hinayaang makasabay pa si Louie. Nahihiya pa rin kasi ako sa nangyari sa amin kahapon. Hindi ko aakalaing mawawala ang first kiss ko nang gano'n lang. Kasalanan ko naman siguro talaga. Ako naman kasi ang humalik. Pero... sa cheeks lang naman kasi dapat talaga iyon! Bakit kasi humarap siya? Sa lips tuloy niya dumampi ang labi ko. Hanggang ngayon. Nakatatak pa rin sa isip ko ang moment na iyon. Nababaliw na rin siguro ako dahil kinikilig pa rin ako. "Vera, lutang ka yata ngayon? Nagkaayos na ba kayo ng tatay mo?" tanong ni Edchelle. "H-huh?" nagtatakang tanong ko. Hindi naman kami nag-away ni tatay noong umalis ito patungo sa States. "Ano'ng, huh? 'Di ba nag-pm ka na nagtatampo ang tatay mo kahapon? Nagtatanong ka pa nga kung paano siya suyuin. S

