"SURPRISE?!" Napatakip ako sa aking bibig nang makita si tatay na nakatayo sa aming pintuan, pagkauwi ko galing sa panonood ng fancy drill. Walang anu anong sinugod ko si Tatay ng isang mahigpit na yakap. Miss na miss ko na siya. Akala ko matatagalan pa ang uwi niya mula sa States. "Kailan ka pa nakauwi, 'tay?" tanong ko kay tatay. "Kaninang ala-una. Hindi ko ipinaalam sa 'yo para surprise," natatawang sabi ni tatay. "Miss na miss na po kita!" naiiyak kong sabi, habang nakayakap pa rin ako sa kanya. "Miss na miss na rin kita, 'nak. Good girl ka ba rito?" he asked. Napanguso ako. "Siyempre naman po." "Talaga lang, ha? Tanungin ko nga si Louie," aniya. Natahimik ako sa sinabi ni tatay. Wala na siyang mapagtatanungan kasi umalis na si Louie rito sa bahay. "Oh, bakit? Nasaan na si Lou

