"Sorry po Sir David, 'di ko po sinasadya. Siya po kasi ang sinabi ng mga kapitbahay na ikakasal ngayon!" ayon kay Jaime na hiyang-hiya na sa binata. Biglang napatingin si David sa kausap saka siya nagsisigaw. "Ngayon na ang kasal niya madali ihatid mo siya sa simbahan kun'di lagot tayong lahat!" galit niyang utos sa mga tauhan niya. Bumalik siya sa babae. Kinausap ito at humingi nang paumanhin sa mga nangyari. "Eto ang aking phone, tawagan mo ang magulang mo o kapatid sabihin mong nalate ka lang pero papunta ka na kamo ngayon sa simbahan!" paliwanag ni David sa babae na Luisa rin ang pangalan. Nagmadali sila na pasakayin ang babae na nagtitipa ng mensahe sa magiging asawa nito. Sumama na rin si David para siya na mismo ang dito magpaliwanag sa mga nangyari. "Papatayin kita, Jaime! '

