"Sige po, okay lang po sa akin 'yon. Kinamayan uli si Luisa ng Mayor at nagpaalam na ito sa kan'ya. Kinausap naman siya ng isang lalaki na naka-suot ng barong. Ito na pala ang assistant ni Mayor. "Hello, ako nga pala si Lemuel, halika at ipapakilala kita sa mga taong makakasama mo sa 'yong opisina." "Mayroon kang makakasama roon sa kuwarto na dalawang staff kaya 'di ka mahihirapan sa trabaho mo." Dagdag na sabi ni Lemuel sa dalaga. Umakyat sila sa itaas at nang sila ay pumasok sa isang silid ay kaagad napalingon ang lahat. Ang mga mata nila ay nakatingin sa kan'ya, parang sinasabing "Sino siya?" Nadaanan namin si Erica ang sekretarya ni Mayor at ewan ko kung bakit parang mainit ang dugo niya sa akin. Pinakilala ako ni Lemuel sa mga kasama ko. Si Nenita medyo malusog pero cut

