Halik nang masaya at isang kontentong babae ang nasa harapan niya ngayon. Lumapit pa siya sa natutulog na babae at kumuha ng hibla ng buhok nito at inilapit sa labi niya. Kagabi binigay muli ng babae ang kan'yang sarili kay David nang buong buo. Mahal na mahal niya si Luisa. Tumayo siya at kumuha ng sigarilyo. Nagsigarilyo siya para pampalipas-oras lamang, kagaya ngayon na hindi siya makatulog. "David bakit 'di ka pa matulog. May problema ka ba?" tanong ni Luisa kay David. "Wala naman 'di pa lamang talaga ako inaantok," niyakap nito si Luisa bago niya sinabi ang mga katagang nang pagmamahal dito. Inihilig niya ang ulo sa balikat ni David at sinagot ito habang nilaro ang mga daliri ng binata. "I love you too hon! Halika na at patulugin kita," nakangiti nitong saad sa lalaki. Napangit

