Nagising si Luisa na yakap siya ni David. Tiningnan niya ang guwapong mukha ng lalaking una niyang minahal. Ito rin ang unang lalaki na kumuha sa kan'yang pagkabirhen. Pati na ang unang tao na nagpatikim sa kan'ya nang sakit dito sa puso. Lahat nang 'yon ay ang lalaking ito ang una. Paano pa ba niya makakalimutan si David samantalang ito rin ang ama ng kan'yang kambal. Sa ngayon ay 'di pa niya maaring sabihin sa binata ito. Gusto niya sanang maka-siguro na wala itong gagawin para ang mga anak ay masaktan. "Uhm, gising ka na pala. Magandang umaga, mahal! bati ng binata na masaya ang gising. "Good morning din!" sagot niyang alanganin sa binata. Yumakap ang binata sa kan'ya pero hinayaan lang niya. Nag-iisip pa siya ng mga sasabihin dito sa nangyari kagabi. Tumayo na siya at pumunta n

