Prologue

1248 Words
"Ysabel Liondale?" mula sa binabasa kong libro ay lumingon ako sa taong bumanggit ng pangalan ko. Kumunot ang noo ko ng makitang si Kristoff Uno Dela Marcel ang nasa harapan ko. Lumingon ako sa likuran ko, tinignan ko kung may tao ba doon na pwedeng tumawag pa sa akin dahil baka nagkakamali lang ako. Bakit naman ako tatawagin ng isang Dela Marcel? I doubt it if he even knew me. He is a total snob. "Ysabel," kumunot ang noo ko. Nilingon ko siyang muli dahil wala namang ibang tao dito kung hindi ako at siya lang. Prente siyang nakaupo sa harapan ko at nakangiti sa akin. Anong kailangan niya? "I'm the one who is calls you by your name," umirap ako sa tigas ng ingles niya. Nasa pilipinas kami, bakit siya nag-iingles? "Bakit?" tanong ko. Nilapit niya ang mukha sa akin. Umayos ako ng upo upang makalayo sa kaniya. Ilang beses akong kumurap at tinignan siya ng masama. Anong nangyayari? May nagawa ba ako? "Sumama ka sa akin!" sabi niyang muli. Tumaas ang kilay ko ngunit hindi man lang napalitan ang ekspresyon niya sa mukha. Anong kailangan ng isang Dela Marcel sa akin? Don't get me wrong, hindi ko lang kasi inaasahan na lalapit siya sa akin o kahit isa sa mga kapatid niya. Isa siyang Dela Marcel. Kilalang kilala sila bilang tagapagmana ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa, si Kristoffer Numero Dela Marcel. They are super rich and aside from that, they are all good looking. Halos lahat silang magkakapatid ay asul ang mga mata, maybe because their Dad is Russian? Hindi ko alam. Ang nanay din naman nila ay half Pilipinas. He doesn't even look like a Filipino. "I'm busy," sagot ko at muling inangat ang libro ko, para na rin matakpan ang mukha ko. Pakiramdam ko kasi ay nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. Nagulat ako ng biglang may humablot non. Mas nanlaki pa ang mata ko ng basta nalang niya iyon ihagis sa sahig. Masama ang tinging ipinukol ko sa kaniya pero parang wala lang iyon sa kaniya. He crossed his arms and pout like a duck! Yuck! Kahit gaano pa sila kagwapo, ayaw ko parin sa kanila! Mga feeling entitled! "Kung ayaw mong sumama sa akin, let's talk here!" umirap ako at umiling. Not because he is who he is doesn't give him the authority to treat me like that. Kung gusto niya akong kausap, dapat matuto siyang maghintay. Mayaman siya pero wala siyang manners! I pursed my lips and cross my arms, too. Kung akala niya susunod ako sa kaniya pwes nagkakamali siya! This is a free country! If he can do that, I can do too! Kinuha ko ang notebook niya na nilapag niya sa table at binato ko rin, mas malayo kaysa sa pagbato niya. Pagkatapos ay tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko. Lumapit ako sa libro ko at pinulot. Nagulat nalang ako ng may humablot sa akin and before I knew it, nakaupo na akong muli sa table at nakaharang ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko. "Listen very well, Liondale. I don't have much patience for you—" "You don't have the rights to tell me what to do! Ikaw ang may kailangan kaya matuto kang maghintay! Respeto naman, napakayaman mo pero napakahambog mo!" sigaw ko sa kaniya. Bigla akong nakarinig ng bulong bulungan. Lumingon ako sa paligid at doon lang pumasok sa isipan ko na nasa cafeteria kami at halos lahat ng estudyante doon ay nakatingin na sa amin... o sa akin. Kung makatingin sila akala mo ako ang may ginawang masama. Inis akong umiling at tumayo. Pipigilan sana ako ni Kristoff pero pinalo ko lang ang kamay niya at mabilis na naglakad ako palayo doon. This is really a free country. They can judge me anytime they want without even asking for my side. Sino ba ako para paniwalaan nila? A nobody. "Have you ever heard about my Dad being one of the owners of this university?" huminto ako sa paglalakad ng narinig ko ang boses niya. Hindi ba talaga niya ako tatantanan? Huminga ako ng malalim bago huminto at hinarap siya. I was taken a back when I saw his blue eyes lighten when I turned. "What do you really want, Dela Marcel?" nahahapong tanong ko kasi sumusunod sunod lang siya sa akin. "Simple. I want you to help me court your friend Erin." tumaas ang kilay ko. Wtf? Akala ko ay nagbibiro lang siya pero siryosong siryoso ang mukha niya habang nakatitig sa akin. Siryoso ba talaga siya? Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Sa laki niyang tao, hindi niya kayang manligaw? "What's so funny?" kunot noong tanong niya. "Ayoko," sagot ko. "Sasabihin ko kay Daddy na tanggalin ang scholarship mo," diretso niyang tugon. Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi mo gagawin 'yon!" nilabas niya ang mamahalin niyang cellphone at nagsimulang galawin iyon. "I can. I'm not a Dela Marcel for nothing—" "Fine! Tutulungan kita pero pagkatapos no'n hindi mo na ako guguluhin pa!" sumilay ang mga ngiti sa labi niya. Kumurap ako at umatras dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Nagulat ako ng pisilin niya ang ilong ko at tumawa pa. May sapi ba siya? Tinulungan ko nga siyang ligawan si Erin. Parati kong pinapaalala sa kaniya na ayaw ni Erin ng mayabang. Dahil sa kasunduan namin ay parati kaming magkasama. Lunch. Vacant periods. Maging uwian para lang pagusapan kung ano ang susunod niyang galaw. Little did I know, ako pala ang mahuhulog sa kaniya. Hindi ko naman kasi inaasahan na sa likod ng mayabang niyang aura, nagtatago ang magagandang qualities niya. He's a gentleman. Masyado siyang sweet, isip bata minsan pero sobrang caring. Pinigilan ko naman. Sinubukan ko namang alisin lalo na ng nalaman kong sila na pala. Dapat masaya ako. Dapat matuwa ako kasi wala ng makulit na sunod ng sunod at tanong ng tanong sa akin. Dapat pero imbes na ganun ang maramdaman ko kabaliktaran ang nararamdaman ko. "Ginamit lang kita Ysabel para makuha ko si Erin. Pwede ba tigilan mo na ang kakasunod sa akin!" sigaw niya sa akin. Ako kasi ang dahilan kung bakit nag-away silang dalawa. Hindi ko naman sinasadyang masabi kay Erin na may gusto ako sa boyfriend niya. "Mahal kita, iyon ang totoo! Hindi ko naman sinasadya!" sabi ko. Lalong dumilim ang anyo niya. Nakakatakot. Hindi ko pa siya nakitang ganiyan kagalit sa akin. He was always gentle and all smiles. "Ikaw ang pinili ko kasi akala ko hindi ka magkakagusto sa akin. Tama nga sila wala kang pinagkaiba sa ibang babae diyan na madaling magkagusto sa akin. Hindi ka na nahiya sa sarili mo! Ikaw pa talaga ang umamin sa akin. Konting hiya naman babae ka parin!" nakagat ko ang labi ko para pigilan ang pagluha ko. Nakaramdam ako ng kahihiyan. "Hindi ko naman ginusto na magkagusto sa'yo! Hindi rin naman kita pinipilit na gustuhin ako!" sabi ko. "Hindi kita gusto at hindi kita magugustuhan. Si Erin lang ang gusto ko. Kung hindi ka lalayo sa amin ay kami ang lalayo sa iyo!" sabi niya at iniwan akong nakatayo doon. Para akong tangang nakatingin sa kaniya habang papalayo siya sa akin. Akala ko O.A. lang ang mga taong nagsasabing masakit ang magmahal pero hindi pala. Ang sakit sakit pala talaga. Hindi ko naman kasi ginusto ito. Kung natuturuan lang ang puso, matagal ko ng tinuro sa kaniya na huwag mahalin ang Dela Marcel na iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD